Cut 3: Daileto

11 2 0
                                    

“Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Mr. Cattleya, you technically cut class in the middle of the exam.” The grade 11 chairwoman said. Nasa office si Dale upang kumaha ng special exam, ngunit hindi niya alam kung pwede pa.

“It was an emergency ma’am, nagpaalam din  po ako sa instructor naming bago umalis.” Paliwanag ni Dale.

“Does he promise a special exam?” Mrs. Julius asked.

“No ma’am.”

“You have your answer. I recommend taking intervention… You’re a good student Mr. Cattleya. Continue to be good.”

“Yes ma’am.”

Umalis si Dale sa office ng chairwoman nang bigo.

Si Felito, ang kanyang nakababatang kapatid, ay nasa ospital pa rin. Mayroon na rin syang malay mula sa pagkakahimatay. Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang nangyari sa kanya. Biglang nanghina ang kanyang katawan. Hinihintay nalang ang resulta ng body screening niya. Tuwing umaga, ang kanilang nanay ang nagbabantay kay Felito, at tuwing gabi ang kanilang tatay. Hindi sila handa sa pangyayaring ito.

Bumalik na sya sa kanilang classroom kung saan naghihintay si Mr. Randy, ang kanilang adviser. Malapit si Mr. Randy kay Dale, gusto nya itong bigyan ng special exam ngunit ang chairwoman ang masusunod.

“I’m so sorry Dale. Wala akong magagawa kung maghihigpit sila. Don’t worry, may intervention pa naman.” sabi ni Mr. Randy.

“Salamat sir.”

Pabalik na si Dale sa kanyang upuan. Kita nya ang mapanghusga at mataray na tingin ni Darcy, habang ang iba ay naguusap at nagdadaldalan. Meron itong ngiting tagumpay. Lingid sa kaalaman ni Dale ay may ka-unting galit sa kanya si Jetter.

“Okay class, settle down. I have here the result of your exam yesterday.” Mr. Randy announced. Tumahimik agad ang buong klase. Ipinamahagi na ang mga papel sa kanya-kanyang may-ari.

Dale aced his Pre-Cal exam, but didn’t receive any more paper. Jetter passed in four subjects, fails in five, and didn’t take one.

Darcy simply passed every exam but didn’t aced all of them. Isa sa subject na hindi sya naka-A ay pre-cal, kaya’t na-inggit sya kay Dale nang malamang naka-A sya dito.

“I’ll be dismissing your class early today. Mag-stay sandali yong mga babanggitin ko.” pahayag ni Mr. Randy sa kanyang klase. Homeroom naman at Friday na kaya’t okay lang ang early dismissal.

“Daileto Cattleya, Jetter dela Rosa, Oligario Tanata, Lucy Tarpita, and George Wantin. Please stay. Have a good weekend everybody, you can go.”

Obviously, sila yong mga estudyanteng kaylangan mag-intervention.

Tumayo si Darcy at tinignan si Dale upang mang-asar. Bago tuluyang lumabas ay inirapan nya si Dale. Sanay na sya.

Anim nalang ang tao sa loob ng classroom.

“Please occupy the seats in front.” Mr. Randy said to the left five students.

Tumayo sila at umupo sa harap ng guro. Nasa dulo si Dale, katabi si Lucy Tarpita. Katabi naman ni Jetter si George na isa ring pasaway.

“As you see your results, alam kong alam nyo na kung para saan ito. You five will be having an intervention.”

Naisip-isip si Jetter na kahit makapag-take sya ng Pre-Cal Exam ay di nya parin ito mapapasa, kaya’t lumumbay ang pagkagalit nya kay Dale. Naiintriga sya kung bakit kaylangang mag-cut class ni Dale. Ano ang dahilan bakit mas pinili nyang hindi ituloy ang exam.

“Kaylan nyo gustong magsimula? Pwede ngayon, pwede ring bukas, Saturday. It’s just 2 four-hours sessions. We can take one now and one tomorrow, or both tomorrow. You choose.” sabi ng kanilang guro.

Nagtaas ng kamay si Tanata. “Yes Oligario?”

“Sir, pwede po bang ngayon na po yong isa, rest day po kasi yong sabado eh.” Suggestion ni Oligario Tanata. Alam ng lahat na Batang-ama si Oligario, part time student din sya, kaya naintindihan ito ni Mr. Randy.

“Okay. Let’s have one today then. Hintayin nyo ako sandal, kukunin ko lang yong printed materials.” sabi ni Mr. Randy bago umalis.

“Hi!” awkward na sabi ni Lucy Tarpita kay Dale. Kung weird si Dale ay ano pa si Lucy. Hindi kilala ng buhok nya ang suklay. Siya yong kaylangan ng isang araw para ma-gets yong joke mo, kaya pagdating sa lesson, di niya mabilis na nage-gets.

“Hi?” sagot ni Dale. Titig na titig sa kanya si Lucy.

“Kumusta yung emergency kahapon?” tanong ni Lucy.

Paano niya nalaman? Tanong ni Dale sa kaniyang sarili. Wala siyang sinabihan kung bakit sya umalis sa exam kahapon, maliban sa instructor at sa adviser nila. Sino ang nagsabi kay Lucy?

Emergency? tanong naman ni Jetter sa sarili nya. Mukha ngang pang-emergency yung pag-alis ni Dale nung nagkasalubong sila sa koridor. Pero hindi nya ugaling magtanong sa iba, lalo na at hindi sila close ni Dale. Halata rin naman kay Dale na masikreto sya.

“Emergency?” tanong ni Dale kay Lucy upang matiyak na tama ang narinig nya.

“Oo, yung kahapon.” ani niya, na hindi parin pinuputol ang pagkakatitig. Nakikinig sa kanila ang ibang nasa room. Kahit nagtataka ay sumagot si Dale.

“Okay naman.” Sagot niya pero nag-iingat.

Pagbalik ni Mr. Randy ay nagsimula na ang unang session ng Intevention. Kaylangan lang nilang sagutan ang 750-item test. Basically, lahat ng past lesson nila ay may tag-lilimang tanong. Karamihan dito ay mga definition of terms. May part na problem solving, pero napaka-basic na lang. Marahil ay nakadisenyo itong intervention para talaga sa mga kagaya ni Lucy na hindi maka-catch up agad-agad ng lesson.

Confident din si Jetter na may kadalian ang intervention, talagang sandamakmak lang ang dami ng tanong.

After 4 hours ay dinismiss na sila ni Mr. Randy. Pero 2 hours lang ito natapos ni Dale.

Walang pake si Dale sa paligid kaya dirediretso lang lang siya palabas ng campus.

“Hi.” Ang habol sakaniya ni Lucy. Lumayo nang kaunti si Dale, pero magkasabay silang naglalakad.

“Hi.” Hindi sanay si Dale na makipag-usap sa iba. Ito siguro ang dahilan kung bakit wala syang kaibigan na matagalan.

“Uhm. May tanong lang ako.”

“Ano?”

“Saan ka bias? Turbulance flow o Laminar flow?”

“Huh?”

“Ahhm. Fluid flow ba.” Paliwanag ni Lucy habang winawagayway ang kamay sa hangin, animo’y alon sa dagat.

“Ahh.” Ang sagot ni Dale. “Laminar.” Pagtapos no’n ay tahimik na ulit silang naglalakad magkasabay. Nang makarating ng gate ay naghiwalay na sila ng landas.

“Bye.”

“Bye.”

Papunta na siya sa ospital. Nasa bag na rin niya ang notebook na ipinapakuha ni Lito.

Kinakabahan pa rin siya sa mga posibilidad sa kalusugan ng kapatid.

[End of Cut 3]

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon