Cut 2: Jetter dela Rosa

14 2 0
                                    

There’s always a student who can afford anything but a good school performance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


There’s always a student who can afford anything but a good school performance. Those who have a car but always late, who have high allowance but no high grade. Well, that’s exactly Jetter.

Nananaginip si Jetter na kasama nya si Darcy sa tabi ng dagat. Gutso na lang nyang tumambay doon at huwag nang umalis.

Bumalilkwas sya nang may nabasag. Ano ang nabasag? Baso? TV? PitselDi nya alam. Nagising nalang siya at nasa loob nang kwarto nya ang kanilang yaya.

“Sorry po sir. Utos po ni Madam Lucita na basagin yong vase para magising daw po kayo,” paliwanag ng yaya.

He cupped his face. “Sabihin mo gumana yong pagbasag nung vase. Salamat Ate Grasya.”

“Ah, sir. Male-late napo kayo sa klase.” Paalala ni Ate Grasya.

“It’s okay.” anya ni Jetter. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa katabing lamesa at pinatay ang lamp.

“Dalhan ko na po kayo ng almusal?” tanong ni Ate Grasya.

“No need na Ate Grasya, sa school nalang ako kakain.” Sagot ni Jetter.

“Sige po sir, linisin ko lang po itong basag na vase.”

Nanatiling nakahiga si Jetter at nagbukas ng cellphone.

Notification: Dar-C Catalingon has 3 new posts.

Nakafollow sya sa lahat ng social media platforms ni Darcy. Lagi nya itong sinusubaybayan tuwing umaga kung ano ang bago. Baka mayroon siyang pinost na magandang photo.

Binuksan niya ang notification;

11:52 pm Wed. Review for tomorrow’s exam.” and a picture of her holding a book and a glass of red wine, wearing a bathrobe.

Saka lamang naalala ni Jetter na may exam sila ngayon. Isa ang exam na ito sa pinakamahalaga para sa isang semester. Kung hindi mo ito mapapasa ay kaylangan mong mag-intervention, and he can’t have that. Jetter needs to prove himself to his older sister.

Buong junior high school ni Jetter ay lagi syang may bagsak, lagi siyang palpak sa school. Partida, may tutor pa sya noon. Ngayong Senior High School na sya, gusto nyang patunayan na kaya nyang pumasa nang walang tutor. So far, okay naman ang performance nya, pero nahihirapan sya, ayaw lang niyang aminin. Alam niyang tamad sya, nagpipilit lamang syang patunayan na may kaya din sya pagdating sa pag-aaral.

Lumabas sya ng kwarto niya na nakabihis na at sakbat ang bag. Nagmamadaling papaalis.

“Sir, sabi po ni Madam Lucita na magbaon ka daw po ng pagkain, kung hindi ka daw po kakain dito.” sabi Ate Grasya. “Ito ho, Gumawa po ako ng sandwich at omelet.” Dagdag nya habang inaabot ang Tupperware na may lamang pagkain.

“Salamat ate.” ani ni Jetter at kinuha ang tupper.

Nagmamadali syang pumunta sa garage at sumakay sa kanyang kotseng may vandal. "Sana walang trapik.” Sabi nya sa sarili nya. Ilang minuto na syang late.

Nakarating sya sa paaralan 30 minutes late. Nagmamadali nyang iniwanan ang sasakyan sa parking ng school at tumakbo sa kanilang room. Hina-heart nya muna ang bagong post ni Darcy habang tumatakbo.

Nasa koridor na siya ng kanilang classroom. Nakasalubong nya ang isa sa kanyang kaklase na sakbat ang bag at nagmamadaling naglalakad.

“Dale! Nandun na ba yong instructor naten?” tanong ni Jetter kay Daileto. Dale ang tawag sakanya ng halos karamihan, dahil masyado daw mahaba at mahirap banggitin ang Daileto.

“Oo.” Sagot ni Dale pero walang emosyon sa mukha nya. Halatang nagmamadali sya.

Hindi ka-close ni Jetter si Dale, pero naging magka-grupo na rin sila. Seryoso si Dale sa pag-aaral, hindi pwedeng napagalitan sya ng instructor or nakuhaan sya ng kodigo. Pero bakit sya aalis nang may mahalagang test?

Hindi alam ni Jetter. “Weird.”

Tahimik ang classroom nila at mukhang nandito na talaga ang instructor nila. Kalahating oras ba naman siyang late.

“Oh. Your late Mister?” said the instructor.

“Sorry po sir.” Paumanhin ni Jetter.

“You can’t take Pre-Calculus exam. Take your seat.”

“Bakit po?” tanong ni Jetter.

“Someone finished the test already, and he just leave. That’s the policy, you can’t take an exam when someone leave the room. It’s not my fault your late Mister.” Paliwanag ng kanilang instructor.

Jetter wants to curse Dale.

Pumasok sya ng room, at kinuha ng test paper para sa susunod na subject. Ngumiti sya kay Darcy. Inis sa kanya si Darcy, kaya umirap lamang ito. Tumayo si Darcy at dala ang kanyang test paper. Nagkasalubong sila ni Jetter sa aisle.

“Hi beautiful!” puri ni Jetter kay Darcy.

“Distance please.” Mataray na sabi ni Darcy.

“Okay.” Sukong sabi ni Jetter at umupo sa bakanting upuan.

Nagpatuloy si Darcy at  ipinasa ang papel sa instructor.

“Done sir.”

Isa na namang araw para kay Jetter na magpapansin o mang-inis kay Darcy.

Pagkatapos ng exam o klase ay ugali na ni Jetter na tumambay sa library. Hindi para magbasa o mag-aral, kundi para magpapansin kay Darcy.

Isang student assistant si Darcy, at naka-assign siya sa library. Paminsan-minsan niyang kasama ang mga kaibigan niya at minsan ay sila pa ang sinasaway dahil sa ingay nila. Buti nalang ngayon ay sya lang mag-isa, makakalapit sya.

“Hi.” Bungad ni Jetter sa counter kung nasaan si Darcy. Imbis na bumati ay inirapan niya lang ito at nagbuntong hininga.

“Ano na naman kaylangan mo?” mataray nitong tanong.

“Ohh. Dapat mabait ka sa mga bumibisita sa library diba?” mapang-asar niyang tanong.

“Whatever. Anong libro na naman kaylangan mo ngayon?”

“Bakit ‘na naman’?”

“Last time kasi naghahanap ka ng book about Kangaroo's Reproductive System. Ano naman ngayon?”

“Do you have something about workout?” tanong ni Jetter habang itinataas baba ang kamay, animo’y nag babarbell.

“At bakit?” usisa ni Darcy habang nagta-type sa computer.

“Kasi hindi tayo nag-workout eh.” Ani niya. Oo nga pala, mag-ex na sila.

“Talagang hindi tayo mag-wowork. Duh. Punta ka ng aisle 17, makikita mo don mga hinahanap mo.”

“Nandoon ka ba? Eh nandito ka nga eh.” Ngiti niya na akala niya ay mapapangiti niya ang dalaga, pero hindi.

“Masasapok kita pag hindi ka aalis sa harapan ko.” Isang mapang-akit na pagbabanta.

“Sabi ko nga. Magbabasa muna ako, baka sakaling magwork tayo.”

Aambang na sana si Darcy kaya’t tumakbo na palayo si Jetter.


Kumuha ng random book si Jetter at umupo sa table 6, kung saan ay kitang-kita niya si Darcy. Kunwaring nagbabasa, ngunit sumisilip sa dalaga. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga kaibigan ni Darcy.

Hay, ang mga demonistang kaibigan, ang bulong ni Jetter sa sarili.

[End of Cut 2]

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon