Prologue

15 2 0
                                    

Note: You can read or skip this prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: You can read or skip this prologue. It doesn't affect anything.

Approx. 5 months in the future.

“Nak, nakita nyo na ba siya?” Ang tanong ng nanay ng kaibigan sa kabilang linya ng telepono.

Hindi alam ni Queen ang isasagot. Kinakabahan siya. May alam siyang hindi alam ng iba. Gusto niyang sarilinin muna ang nalalaman dahil kung hindi ay mas gugulo ang sitwasyon.

Kagat kagat niya ang kuko habang nakatitig sa madilim na tubig ng sapa. Naka-loud speaker ang cellphone, kaya si Vallo na lang ang sumagot para sakaniya.

“Ah, tita, wala po siya dito sa sapa na malapit sa ospital. Pero subukan po namin maghanap sa campus.” mahinahong sagot ni Vallo, pero may kutob siya na wala sa campus ang hinahanap nila.

“Sige mga anak, salamat.” and sagot ng ginang na halatang kinakabahan.

Naghihinala si Vallo kay Jetter, ang pinaka-malapit sa kanilang hinahanap. Iniisip niyang may koneksyon ito sa pagkawala ng kaibigan, dahil huling kita niya ay magkasama ang dalawa.

Naglakad na sina Queen at Vallo papuntang campus sa dilim ng gabi. May biglang lumiwanag sa likod nila. Sasakyan ni Jetter.

Lumabas si Jetter sa sasakyan. “Nag-text sakin si tita. Anong nangyari?” Tanong nito.

Mabilis na lumapit si Vallo at kinuwelyuhan si Jetter. “You're son of a...” pinigilan agad siya ni Queen.

“I'm nobody's son.” Sagot ni Jetter pagkabitaw sa kuwelyo niya.

“He's missing right? Saan nyo na siya hahanapin?”

“Ikaw ang huling nakakita sa kaniya, dapat alam mo.” Pabalang at pasigaw na sagot ni Vallo.

“Sa campus.” sagot ni Queen na nakapagitan pa rin sa dalawa.

“I may be angry at him, pero hindi ko magagawa anumang iniisip mo.” Pangangatwiran ni Jetter kay Vallo.

“Sumakay na kayo, tulungan ko na kayong maghanap."

Pagdating nila sa campus ay humarang ang guard. Gabi na at bawal na ang tao sa loob kung walang appointment.

“Sir, may nakita po ba kayong studyante na pumasok dito? Uhm, matangkad, nakasalamin, laging naka-babber's cut?” tanong ni Queen sa guard.

May lumapit na isa pang guard at nagtanong, “Anong nangyayari dito?”

“Kuya Pert!” sabi ni Vallo. “Kuya, kaylangan lang namin pumasok, sandali lang.”

Kilala na si Vallo ng guard na ito. Dahil varsity siya at officer ng sports club.

“Oh sya. Bilisan niyo lang.”

Pagkapasok ay di nila alam kung saan pupunta. Sinubukan nila sa rooftop, sa library, at kung saan pa maaring pumunta ito.

Naisipan nilang pumunta sa Grand Pavilion ng campus, kung saan ay nakadisplay ang isang piano. Nag-ikot-ikot sila sa pavilion.

Nakita ni Jetter and keyboard ng piano.

“Guys, I think I know where he can be.”

[End of Prologue]

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon