The Departure

68 1 0
                                    

April 15, 2014


The noises from my surrounding made we woke up Tuesday Morning. "Arghh! Ang ingay!" sinigawan ko na kung sino man ang pumasok sa kwarto ko para lang istorbohin ang mahimbing kong tulog.

Pagkabangon ko pa lang ay ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. "Sino bang nagbukas ng kurtina? Nakakasilaw." ang akala ko ay ang kapatid ko ang nanggugulo sa kwarto.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga trespassing ka sa kwarto ah?"

Kaya pala maingay dahil siya ang pumipili ng mga susuotin ko para sa field trip namin. She also had a different bag, doon niya nilalagay ang  mga napiling damit.

"Kanina pa ako dito mga 6 pa lang para sana dito na ako mag-antay sa iyo, wala si Mama at Papa sa bahay namin kagabi, may inasikaso sa kabilang bayan. Mamaya pa ang uwi. Wala akong kasama kaya manggugulo ako dito" nagpatuloy sya sa pagiimpake.


"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang gusto kong suotin?" umiling sya bilang sagot.

"Alam ko ang mga hilig mo sa damit. You're a boring alien. Black and White Sweaters, sweatpants, and plain shirts. Pati undies mo ay nailagay ko na sa bag." Napangiti ako sa kanyang sinabi.

She really takes time to observe me. Mas kilala nya pa ako kaysa sa sarili ko. She observe me all the time, pati ang mga mannerism na hindi ko alam ay mas alam niya pa. Sweet.

"Magluluto lang ako ng almusal." tumayo ako sa higaan at dumiretso na sa pintuan.

"Huwag na, magtatanghali na. Sumabay na rin ako sa magulang mo" ahh nasabay na pala siya kanila Mama. "Speaking of magulang, umalis nga pala sila, pupunta daw sa ospital" naguguluhang paliwanag niya.

"Ahh, baka sa ob ni Mama, nagpa-check-up" nagkibit balikat ako at dumiretso sa kusina.

"Sanadali"

"Aaahhh! Shibal! Nagulat ako sayo!" huminga nang malalim at hinarap siya. "Ano?"


"Bakit nasa ob sila Tita? Anong nangyari?"



"Buntis si Mama, baka nagpacheck-up para malaman ang lagay ng bata" tinalikuran ko siya at nag-isip nang pwedeng kainin sa tanghalian. Paniguradong sa labas kakain sila Mama.



"Saglit lang Seyah, tatawagin ko lang si Aisah. Tulog mantika eh" paalam ko.




"Sus! Parang ikaw hindi ahh?" natawa ako sa sinabi niya.



"Aisah?" pang limang beses ko na itong tawag sa kapatid. Pang limang bese niya na rin itong hindi pagsagot. "Aisah, buksan mo ang pinto. Tanghali na"




Nanatiling walang sagot si Aisah, kaya napagpasyahan ko nang kunin ang susi para sa kwarto niya. Nang mabuksan ko iyon. Bumungad sa akin si Aisah. Nakabalot sa kumot at nanginginig.




"Aisah. Aisah! Anong nangyari sa'yo?" idinampi ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo at doon ko napagtanto ang kalagayan niya. "Aisah, gising ka muna. Saglit lang, dumilat ka muna."




Hinalughog ko ang closet niya at doon ko nakita ang medical kit. Inilabas ko ang gamot doon pati na rin ang pang cold compress. Bumalik ako kay Aisah tsaka ko inilagay ang cold compress sa kanyang noo.



Natigil ang panginginig niya ngunit mataas pa rin ang kanyang lagnat.




"Seyah!" sigaw ko mula sa kwarto ni Aisah. "Seyah! Punta ka muna dito!"




Sewol Ferry On Board (COMPLETED)Where stories live. Discover now