The Last Breath

145 2 1
                                    

April 16, 2014

I don't know how we got into this situation.  The ferry titled almost 90 degrees, the reason why we can't sit properly on our bed. Fifteen minutes had passed and the rescue team still are missing. I can hear the other passenger crying and asking for help.

In my horror. The ferry tilted once again causing the passengers to shout.


We are now wearing our life jacket. It is tightened against our body. It's hard to breath, but it's fine. Basta ay sagipin nila kami. The personel keep on reminding us to stay from where we are. At first I agree to his advice, but this is actually a waste of time. I've seen this a lot in every movie.

Sasabihan kami na kumalma at manatili sa lugar kung nasaan kami. Pero sa huli ay walang sasagip sa amin.

Mabuti na lang at nakahanap na ako ng mapupuntahan kung sakaling lumala pa ang sitwasyon. Susuwayin ko ang utos sa amin para maligtas. I can't see their progress. Ni isang rescue team ay wala pa.

Masama ang maghusga ngunit buhay ang kapalit nito. Kung walang aaksyon ay walang mangyayari. I want to save all of them. Pero alam kong hindi ko kaya. Marami sa kanila ay desperadong maligtas ng rescue team kaysa mag take ng risk para tumakas.


Ang mga paa nila ay nasa dingding na dahil sa pagtagilid ng barko. Ang hirap ihakbang pabalik sa cabin.


Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ang kalagayan namin. Kung darating man ang panahon na lumala ang sitwasyon, I hope this video will show what happened inside the Sewol Ferry. I captured their reactions, their struggles and their voices asking for help.



Tiningnan ko ang kaibigan kong nakahiga rin sa tabi ko. "Seyah" tumingin siya sa akin. Doon ko napansin ang mugto na niyang mata. Nagbadya na rin ang mga luha sa aking mata. Hinaplos ko ang pisngi niya. Naramdaman kong basa pa nga iyon ng luha.


"Huwag kang umiyak, makakalabas tayo ng buhay dito. Panigurado iyan dahil daan-daang studyante ang sakay ng barkong ito. Siguro naman ay hindi kaya ng konsensya nila na pabayaan tayo dito" ngumiti ako kahit na taliwas ng sinasabi ko ang naiisip ko. Gusto ko lang maging positibo para sa kanila. "Pag nakaalis tayo dito. Tayong lahat. Gusto ko, magbakasyon tayo sa Seoul. O di kaya ay lumabas tayo basta, maglalakwatsa tayo"



Ako ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan. Kahit na ilang buwan lang naman. Kaya feeling ko ay sagot kp silang lahat. Na ako dapat ang kumilos dahil responsabilidad ko sila. Hindi kaya ng konsensya ko kung mapabayaan ko sila.


"Alam mo Seyah, ang saya ko noong nalaman ko na buntis si Mama sa bunso namin. Ang dami kong gustong gawin kapag naipanganak na siya. Gusto ko ako ang magbabantay sa kanya hanggang pagtulog. Ako ang magpapakain kung pwede na siyang kumain. Ako ang magtuturo sa kanya maglakad. Hindi ko kasi nagawa iyon kay Aisah, syempre two years old pa lang ako nang oras na iyon" unti-unting tumulo ang luha ko.



"Anong sinasabi mo diyan?" galit na tanong niya.


Kung alam mo lang Seyah kung gaano kasakit sa akin ito. May pakiramdam akong di ko makakayang makaligtas dito. Hindi ako marunong lumangoy. Magiging pabigat lang ako.


"Gusto ko, kapag pinanganak na siya, April ang ipangalan sa kanya. April siya nabuo at April rin namin nalaman na nabuo siya. April rin nangyari itong disgrasya. Tsaka para tatlo kaming A ang simula ng pangalan" kung halata man ay binibilin ko na sa kanya ang kapatid ko.


"Si Mama, nako wala nang tutulong sa kanya sa gawaing bahay. Pakisabihan si Aisah na tumigil na sa K-pop at wag nang maging batugan. Tumulo-" hinampas niya ako nang pagkalakas-lakas.



Sewol Ferry On Board (COMPLETED)Where stories live. Discover now