“Hindi ba parang malaki 'to?”ipinasok ko sa loob ang mga dala naming gamit ni Aspen.
Nakarating kami dito sa apartment at nagcommute lang kami.Napatingin ako sa wall clock,9:05 am na pala pero hindi pa kami nakakapag-almusal.
Walang pasok ngayon at siguro naman mahaba ang maghapon para makapag-ayos.
“Yes malaki siya at tama lang para mag-emote ka ng maayos kapag broken ka na.”napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Pardon?”
She shrugged,“Malay mo naman diba?baka this year magkajowa ka na.”
I laughed sarcastically,“Buti ikaw di ka nawawalan ng pag-asa na magkakajowa pa ako?”
Umupo siya sa tapat ko habang humihigop ng kape.
“Bakit naman hindi?di ba kaya ng ganda mo?”
Napataas ang kilay ko,“Ano?ewan ko sayo!Di pa nga ako nagkakajowa broken na agad sinasabi mo diyan!kontra ka e!”binato ko siya ng unan at nakailag siya.
“Sus!anyways,bakit mo kami iniwan ni Ponce sa bar?”sumimsim siya.
“Nakita mo naman siguro yung ginawa ni Raeruc diba?at hinatid niya ako sa bahay!”pabagsak niyang inilapag ang tasa sa center table.
Hindi siya mukhang gulat pero halatang interesado siya sa nasabi ko.
“What did you just say?i thought nag-usap lang kayo?”
Umiling ako,“Inihatid niya ako sa bahay.”
Tumayo ako para kumuha ng tubig.
Napatawa siya,“Ohh!i thought you guys are enemy—”
“Yes we are,hatid lang yon.Wag kang maissue—”
“Explain muna kung bakit mo siya hinalikan?dala ba ng alak?”napasipol pa siya sabay simsim sa kape.
“Alam mo?lahat nalang napapansin mo.It's just a kiss!at gusto ko lang asarin siya.”
Rinig ko ang yabag niya na papalapit sa akin,uminom lang din siya ng tubig.“At dahil sa pang-aasar mo kuno,may nakapag video at kalat na sa buong school,why don't you try to ask Raeruc?baka suspended siya.”natigilan ako,and i suddenly felt guilty.
“I-I'll try...”
“At kapag nasuspende nga siya,sabihin mo nalang na napalayas naman tayo,so quits lang.”
Ngumisi lang siya saka inihagis sakin ang isang supot.Kumalam bigla ang sikmura ko nang makitang cup noodles ang laman.Mabilis akong tumayo.
“Wala tayong hot water,sa baba ka nalang kumuha.”nakatalikod siya sakin habang nag-aayos ng mga gamit.
“T-Thank you a-and sorry.”lumabas ako ng kwarto na sobrang bigat sa pakiramdam.I'm so stupid!hindi ko manlang naisip ang mangyayari bago ko ginawa yun.
Nasa pangalawang palapag ang kwarto namin ni Aspen.Yung nasa first floor kasi,parang cafeteria.
Nadatnan ko si Golan na nagmo-mop.Si Golan—anak siya ng may-ari nitong apartment.
“Good morning ma'am.”nakangiti ito na abot tenga.
Napansin kong may dimple siya sa kaliwang pisngi.Naiilang naman ako sa pagtawag niya ng ma'am sakin.
“Wag mo na akong i-ma'am,Laylac nalang.”tipid akong ngumiti sa kanya.
Napakamot naman siya,“Ah ganun ba?pasensya na nasanay lang ako.”napatingin siya sa hawak ko.
BINABASA MO ANG
Last Party Was Epic
Teen FictionWe all have this "first time ko 'to!" and "Last na 'to promise."First time are full of excitement while 'last time' remains unforgettable.Iba't iba yung ending minsan masaya,malungkot,at minsan sobrang epic! "You started the war with your dance Layl...