Chapter 2

4 1 0
                                    

Bago ako dumeretso sa school,i decided na dumaan muna sa coffee shop ng pinsan ko.Libre kasi at masarap.While scrolling,sa IG,some pictures caugh my attention.It was Jazz and Raeruc,ito yung kahapon!Ang background kasi ay yung mini tarpaulin ng Prime Bistro.

Sumimsim ako sa kape ko at saka napairap.Isa lang ang masasabi ko,

Ang cheap nila pareho at hindi naman instagramable ang picture.

Inilapag ko nalang ang phone ko at hinihintay pa ring lumabas sa counter si Hiyle.Busy siya dahil madaming customer ngayon.

Kaya ibinaling ko ang tingin ko sa labas.Makulimlim pero sana naman wag umulan.Kinapa ko ang ticket sa aking bulsa at tinitigan ito.Na eexcite ako,iniisip ko palang na lahat ng mamahaling alak sa buong asya ay matitikman ko sa isang gabi lang!

“Kabooh!”nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Hiyle.

Mabilis kong itinago ang ticket sa bulsa ko.

“Ano yan ha?”pinanlakihan niya ako ng mata.

Naiilang akong ngumiti,“Wala 'to, papel lang na naligaw sa bulsa ko.”

“Ahh naligaw lang,o baka naman mamaya kung saan-saan ka na mapunta.”bakit parang alam siya?

“Tss,andami mo namang alam!a-aalis na ako!”tumayo ako agad at akmang lalabas na ng shop,ay may sinabi pa siya.

“Libre ang condo ko mamaya,dun na kayo umuwi ni Aspen.”nanlaki ang mata ko!

seriously?oh lord how blessed i am!

Bumalik ako sa table,“Thank you Hiyle!”then i kissed his cheeks.

Bumuntong hininga siya bago ako tuluyang nakaalis.Imagine,pumunta lang ako dun para makalibre sa kape tapos libre pa condo'ng uuwian mamaya?

I looked at my wrist watch,wtf!five minutes nalang at malelate na ako.Andali kong swertehin ang bilis din malasin.Siguro alas dose ng madaling araw ako pinanganak.charot.

Walang dumadaan na sasakyan kundi mga bus at jeep.Ayokong mag commute,nadala na ako kasi nung last kong sakay sa jeep with Aspen,may natutulog sa balikat ko tapos natuluan pa ng laway ang uniform ko.And that was so disgusting.

No choice kundi maglakad.

“Hi Laylac!”nilingon ko kung sino at si Raeruc pala,nakamotor.

Sa dinarami-rami nang makikita ko ngayong umaga siya pala talagang kaaway ko.

Di ko siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad.

“Luh di namamansin.”

Talk to your ass,saan ba siya kumukuha ng lakas ng loob?Akala niya siguro na porket nagpagawa ako ng sketch e bati na kami?no freaking way!

Halos mapatalon ako nang huminto siya sa harap ko.

“Ikaw Laylac?”nakangiting tanong niya,tapos ako nakatitig lang sa kanya.

I shooked my head,strict ang pride ko.

I looked again at my watch,two minutes nalang at di ako aabot sa first subject kung paiiralin ko ang pride ko.

Umandar na siya,ano ba Laylac?!

“Sandali!”sigaw ko at huminto siya.

Nilingon niya ako at mabilis akong tumakbo.Ipinagbaba niya pa ako ng tungtungan,e paano ako sasakay?shit bahala na.

Kumapit ako sa balikat niya at sumakay.Rinig ko ang mahina niyang hagikhik,

juicecolored hagikhik?!

Last Party Was EpicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon