I actually don't wanna do this,masyadong malabo ako ngayon.I don't know why i am doing this to him,we're enemy!but i am kissing him right now.Hindi siya tumutugon kaya ako na mismo ang tumigil.As i removed my lips to him,his eyes widened.
Lumayo ako nang konti at tumayo sa harap niya,ramdam ko ang pagkalasing ko pero iba ang isang 'to.Hindi ito ang epekto ng alak sa akin,napaka-unfamiliar.
Biglang nagpalit ng kanta,so i move my hips.
Sinasabayan ng katawan ko ang musika.Nakatitig lang siya sa akin at nakakunot ang noo.Nang dumarami na ang tao sa paligid namin,ay doon siya tumayo at hinubad ang leather jacket niya.Ipinatong niya iyon sa balikat ko at binuhat ako na parang isang sakong bigas.
"What the fudge Raeruc?!"
"Calm down lady,sinagad mo 'ko bigtime,"his words echoing in my ears.
Habang lumalayo kami ay humihina ang ingay.Mas lalo tuloy akong nahihilo dahil baliktad ng tingin ko at dala na din ng alak.
"Raeruc please,i'm begging you,ibaba mo na ako."mahina kong sabi.
"Say it again,"
"Please,pretty please..."
Sa paningin ko ay nasa tapat kami ng pinto ng isang kotse.Napangisi ako,meron pala siya nang ganto?
Kumatok siya sa bintana,at bumungad ang isang medyo may edad siguro nasa 30's na lalaki.He looks more handsome with the tattoo on his neck.Kahit baliktad ang tingin ko,malinaw pa rin naman ang mata ko.
"Who is she Raeruc?"
"Kaklase ko lang tito Zack,"wait,what?!tito niya yun?anlayo ng itsura nila,siguro ampon lang 'tong lalaking to.
His handsome tito took a glance on me then he nodded.
"She's hot Raeruc,she might be your girl."natigilan ako bigla.
Napahalakhak si Raeruc,
"No uncle,friends palang."
His uncle chukles,"Okay then,ingat sa pag-uwi Raeruc at sa friend palang,"mapang-asar pala talaga ang lahi nila.
Nagpaalam na at umalis ang tito niya.Kumaway nalang si Raeruc saka niya ako ibinaba.Nasa harap ko ang isang Porsche kaya napataas ang kilay ko.Akalain mo nga naman,bigatin pala ang isang to.
“Ano pang hinihintay mo?”tanong niya sakin,may pagkairita.
“Tss eto na papasok n—”
Hinila niya ako bigla,“Tumabi ka shunga.”
Bagsak ang balikat ko habang pinapanood na umalis ang Porsche.Halos mapaigtad ako nang humalaklak si Raeruc at nakahawak pa sa kanyang tiyan.Hinampas ko siya,
“Gago ampota,may pagtawa ha?may nakakatawa ba?”ramdam ko ang inis at pagkapahiya kanina.
“Dissapointed ka no?akala mo dun tayo sasakay?”wala nang bakas ng pang-aasar sa kanyang mukha pero sa boses,meron.
“Hindi!”pa-agak ko nang sabi.
Napahalakhak nanaman siya habang nakaturo sa mukha ko.Mas okay na din 'to baka sakaling nakalimutan niya na yung pinaggagawa ko kanina sa loob ng Unicore.
Nauna siyang sumakay sa Mio niya at pinagtaasan ako ng kilay,napairap akong lumapit.Ibinigay niya sakin ang helmet niya at sinuot ko.
Ipinagbaba niya ng tungtungan,kumapit pa ako sa balikat niya para maiangat ang sarili ko.
“Humawak ka ng mabuti baka mahulog ka.”kinapa ko ang hawakan sa likod ko at doon kumapit.
Habang nagmamaneho siya,iniisip ko kung bakit hindi nalang kami magbati.Kagaya ng sabi ni Aspen,but still ayoko.Nabubwisit pa din ako sa kanya hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
Last Party Was Epic
Novela JuvenilWe all have this "first time ko 'to!" and "Last na 'to promise."First time are full of excitement while 'last time' remains unforgettable.Iba't iba yung ending minsan masaya,malungkot,at minsan sobrang epic! "You started the war with your dance Layl...