"My Wallet is missing!"
Napadilat ako nang mata nang marinig ang malakas na sigaw nang babae, nakatingin din sa kanya pati mga pasaherong kasama ko.
"It's in my bag and now it's missing!" Halos mapunit na ang kanyang bag sa kakahalungkat nito, puno na rin nang pawis ang kanyang noo.
"Baka na misplace mo lang miss," sambit nang katabi niyang babae.
"Sabihin mo sa security, baka nagkaroon nang inside job dito." Suggest nang isang may edad at marami pa ang nag salita.
Isinuot ko muli ang facemask, at sa likod nito nakatago ang isang ngiti...
Ngiting tagumpay!
Gusto kung tumawa pero kailangan kung pigilan ang sarili ko, baka mamaya pagbintangan nila ako.
Which is totoo naman.
Bago paman siya makapag sumbong nag flash na sa monitor ang pangalan nang eroplanong sasakyan ko.
Agad akong tumayo at naghanda, maging ang mga pasaherong makakasabay ko. agad akong pumila para makasakay na. Pero bago ako makaalis tumingin muna ako sa babaeng nawalan nang wallet kanina
Joelle Cabatuan
23
With 11,000 pesos in her wallet
"Thank you for riding Pa-" hindi ko na pinatapos ang sinabi nang flight attendant at agad na akong bumaba. Bago lang ako sa lugar na ito kaya sumabay nalang ako sa paglabas nang mga tao.
Mga sasakyan at mga taong tumatawag nang mga pasahero ang bumungad sakin, may mga nag yoyosi rin sa tabi. Naglakad ako patungo sa isang lalaki na mukhang may hinihintay. Balak ko sanang mag tanong kung anong sasakyan ko papuntang SDN.
"Magandang hapon tol," sabi ko para makuha ang atensiyon niya, nagtagumpay naman ako dahil lumingon ito sa akin.
"Nagmamadali kasi ako, saan ba ako makakahanap nang sasakyan papuntang SDN? Yung mabilis sana," Tanong ko.
"Kahit anong pagmamadali mo, matatagalan ka parin dahil maraming check point ang madadaanan niyo," paliwanag niya, napatango naman ako bilang pahiwatig na naiintindihan ko.
"Kung sasakay ka nang bus, mga ilang oras ang aabutin nang biyahe, paniguradong makakarating ka sa kinaroroonan niyo nang alas 10 o alas 11. Pero kung sasakay ka nang van, paniguradong makakarating ka nang ala 7 sa kinaroroonan niyo. Depende narin sa layo." Patuloy pa niya. Tumango ako at nagpasalamat.
Sinunod ko nga ang sinabi nang lalaki kanina, sumakay ako nang van para mabilis akong makarating sa terminal, dalawang sakayan pa daw para makarating sa apartment. Nag text narin ako kay Uncle na nakalapag na ang eroplanong sinakyan ko at nasa van na ako.
Mga ilang minuto ang tinagal ko sa van dahil naghihintay pa nang pasahero ang driver, medyo mainit na dahil sa marami na ang sakay sa van. Siksikan kaming lahat nang magsimula nang tumonog ang makina, nagasimula naring umusad ang van. Isinout ko na lamang ang earpods at nakinig nang music.
Ibang-iba't sa maynila ang mindanao, halos lahat nang madadaanan mo dito ay halos mga puno. Minsan, madadaanan ang mga taniman nang mga palay, maliliit lang ang mga bahay. Walang masyadong building, tahimik ang aming biyahe dahil tanging tunog lang nang makina nang sasakyan ang iyong maririnig.Karamihan sa mga pasahero ay tulog, ang iba naman busy sa paglalaro nanv cellphone, at meron ring tulad ko na nakikinig nang music at nakatanaw sa malayo.
Halos 7 oras ang tinagal nang aming biyahe, marami kasing checkpoint. Natapos ang biyahe namin sa terminal nang SDN, madilim na at wala nang masyadong tao. Nag text ako ulit kay uncle na nakarating na ako at sasakay nalang nang tricycle pa pupunta sa apartment, malapit lang naman daw dito.
"Mac Do, po isa." Sabi ko sa pangatlong driver na pinara ko, nilagpasan lang ako nito.
I really felt numb on my feet, kanina pa ako para nang para sa mga tricycle na dumadaan pero hindi pa ako nakasakay, snob pala mga tao dito.
Ma atittude
Ganoon ba ka layo ang Mac Do dito sa terminal? Ayon sa napagtanongan ko kanina, malapit lang daw ito at isang sakay lang nang tricycle. Nasa sa sentro nang siyudad daw kasi ang Mac Do, at sa katabi noon ay ang apartment na titirhan ko.
Nakarinig ako nang ugong tricycle kaya agad kong itinaas ang kamay para pumara ito.
"Mac Do, po isa." Agad namang tumango ang driver at pinasakay ako.
Kakaiba ang tricycle nila dito. Medyo kalakihan ito at nasa tabi ang driver, may bakanteng upuan rin sa kanang bahagi nang driver na kasya ang dalawang tao. Sa likurang bahagi naman ay may dalawang upuan, isa sa kanan at isa naman sa kaliwa. Dalawang tao rin ang kasya doon. Pero mas pinili ko ang umupo sa harap.
Madilim ang binaybay namin. Tanging ilaw na mula sa sasakyan namin ang nagbibigay liwanag sa daan, may mga kabahayan naman na merong street light pero karamihan wala. Tulog na siguro dahil gabi na. Pansin ko rin na kanina pa sulyap nang sulyap ang driver sakin.
"Wala po bang street lights dito?" Tanong ko sa driver. Lumingon muna ito sa akin bago nang salita.
" Meron naman, sira nga lang yung iba." Sagot niya.
Nakarating naman ako sa apartment, nag abang na ang may ari nito pagbaba ko. Nagpasalamat naman ako nito dahil hindi niya tinanggap ang bayad ko. Pero may sinabi ito sa kin bago umalis.
"Tsaka mo nalang ako bayaran pag nag kita na kayo."
Hindi ko nalamang ito pinansin at nag tuloy-tuloy na sa loob. Sinalubong naman ako ni Mrs. Murphy, ang may ari nang apartment. May ibinigay siyang susi at nagbilin nang mga patakaran sa apartment tulad nang curfew nang alas 10, huwag masyadong mag ingay, pagtapon nang basura at iba pa.
Agad akong napahiga sa kwarto pagkapasok ko, maliit at simple lang naman ang apartment, may Cr at kusina, meron ding terrece, nilinis na daw ito kanina. Agad kung kinuha ang cellphone ko at nag text kay uncle na nasa apartment na ako, naka tanggap naman ako nang reply na nasa trabaho siya at tawagan ko daw si papa.
Hindi naman sinagot ni papa ang tawag ko, nag ring lang nang ilang beses tapos pinatay na sa pangalawa. Agad kung kinuha ang bag ko nang may na alala ako, binuksan ko iyon at tumambad ang dalawang wallet.
Isa para dun sa lalaking tinanungan ko,
Isa para sa babaeng katabi ko sa van.
♡1412