Prologue

5 0 0
                                        

Hindi ko alam kung paano nangyari, ngunit nagising akong nasa gubat na tumatakbo.

Hinahabol ako

Hindi aso kundi tao.

Mga taong nakasout nang itim.

Pinag patuloy ko ang pagtakbo naglalaro sa isipan ko ang mga katanungan.

Bakit ako tumatakbo?

Sino ang mga taong nakasout nang itim?

Anong kailangan nila saakin?

"Damien Morales! Pagbabayaran mo ang lahat!"

Biglang komalabog ang dib-dib ko, siguro wala akong pakealam ngunit bakit ako kinabahan? Ano bang meron at bigla akong kinabahan?

Alam kong may malaki akong kasalanan hindi lang isa, teka.... ito na ba ang magiging kabayaran ko?

Hindi....

Isa itong ilusyon. Kailangan kung gumising, Damien!

"A-anong pinagsasabi niyo?" Naguguluhan kong tanong, napatigil ako saglit habang iniisip kung ano ang pinagsasabi nila, sino ba sila?

Patuloy akong tumakbo, gusto kung tumigil at lingunin ang naghahabol sa akin. Gusto ko silang harapin ngunit, naduduwag ako sa di malamang dahilan.

Anong masamang umihip nang hangin at biglang naging ganito?

Gusto ko nang gumising

Kung panaginip lang ito, ayaw ko na

Bakit?

Sabi nila kung nasa bingit ka nang kamatyan kailangan mong mag dasal, iyon ata ang gagawin ko.

Pero ayaw ko.

Bakit ayaw ko?

Kasi sa dami nang kasalanan ko, hindi ko alam kung pakikinggan ba ako nang itaas.

Tumakbo ako papalayo, ngunit natigil ako...

Shit!

Wala na akong matakbohan

Dead end!

Dahan-dahan akong lumingon, napatigil din ang mga naka itim, isa sa mga ito ang bumunot nang baril. Dinig na dinig ko ang tunog nang pagkalabit niya sa kanyang hawak na baril.

Nakipagkarera ang puso ko kasabay nang tagaktak nang pawis mula sa aking noo.

Bahala na

Gusto ko nang magising

Dahan-dahan akong umatras palapit sa dulo nang clif, kung ano man ang nasa baba ay bahala na.

Pero bago pa ako nahulog

Rinig ko ang pag putok nang baril

Tumama ito sa bandang puso ko

Nahulog ako...

Napatingin ako sa itaas, unti-unti itong lumiwanag. Hindi ko alam kung ako lang to o ganito ang mangyayari pag mamatay na ang tao.

Napapikit ako

Inaantay ang pagkahulog ko

Ngunit...

Hindi iyon nang yari

Dahil pag dilat ko,

May kamay naka hawak sa akin.

Sino siya? Anong magiging papel niya sa buhay ko?






♡1412

Heaven Above UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon