Natagpuan ko ang sarili ko sa ilalim nang tubig, agad akong lumangoy pataas pra makahinga ako.
"K-kuya tulong..." Agad kung inilibot ang aking paningin para hanapin ang taong humihingi nang saklolo
"K-kuya..." ulit nito, lumangoy ako kahit wala akong aking makita.
"A-asaan ka?" Tanong ko, nagpatuloy parin ako sa paglangoy kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo.
"Kuya!" Sigaw nito,
"Kuya!" Ulit niya, lumangoy ulit ako para muli siyang hanapin.
"Asaan ka?!" Sigaw ko ngunit wala nang sumagot, pinagpatuloy ko nalang ang paglangoy
"Nasaan kana?!" Sigaw ko, maya-maya ay may narinig akong hikbi kaya hinanap ko muli.
"KUYA!!" sigaw niya kaya bigla akong naalarma, biglang nanigas ang aking boung katawan.
"Sandali!"
"Hijo!"
Agad akong napabalikwas, napahawak sa aking dib-dib habang hinahabol ang aking hininga.
"Bangungot hijo," nilingon ko ang nag salita, si Mrs. Murphy habang inabot ang baso na may laman na tubig.
"B-bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Tumawag ang uncle mo sa akin, hindi ka raw ma contact kaya inutasan akong puntahan ka para i-check kung ayos ka lang, kaya nabutan kitang ganyan."
Agad kung kinapa ang ulunan ko kung saan nakalagay ang cellphone, 7 missed calls at 20 messenges ang nakalagay.
"Ahm.. salamat po sa pagpunta." Ngumiti naman siya sa akin at nag paalam, bumuntong hininga ako bago i-dial ang number ni uncle buti nalang nag ring at agad niyang sinagot.
"Uncle," umpisa ko
"Hello Damien," Kumawala ako nang buntong hininga bago muling nagsalita,
"U-uncle my nightmares-" hindi ko naituloy ang pagsalita, my voice crack.
"Did you saw him in your dreams again?"
"Y-yes uncle,"
"Hmm, 2 years past since he appeared in your dreams"
"Hindi ko nga maipaliwanag kung bakit bumalik,"
"Oh, how I wish he appeared in my dreams too, you know how I really missed that kid."
"Maiba tayo uncle, ba't ka nga pala tumawag kanina?"
"Oh about that... yeah, sinabi kasi nang landlord mo na nahimatay ka raw noong isang araw."
"Nah.. don't mind it, wala yun"
"Wala nga ba? Dam, please take care of your self ikaw nalang ang natitira sa papa mo."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, we're not in good terms of my father mas lalo ko lang tuloy na alala ang pagkita namin ni mama kahapon.
"Uncle I have somethimg to tell you ,"
"Hmm? What is it?"
Napatulala ako, sasabihin ko ba na nagkita kami ni mama kahapon? Baka magalit lang ito at pauwiin ako sa Maynila.
"Ahmm.. I forgot, nevermind nalang. Segi I'll hang up." I said and ended the call, kumawala ulit ako nang buntong hinga.
>>>
"Morning bro!"
Kumaway lang ako sa kanila at deritsong umupo, agad kung isinndal ang aking ulo sa table at sinubukamg pumikit, Hindi ako nakatulog matapos nang bangungut na iyon .
![](https://img.wattpad.com/cover/239540646-288-k339802.jpg)