PART 1

13 5 5
                                    

FIRST STORY KO TO GUYS KAYA SANA MAGUSTUHAN NINYO

"Huuuuuyyy!", nasa akmang tatalon na sana ako ng may tumawag sa akin na boses ng isang babae na hindi ko familiar kung kanino. Nilingon ko kung saan galing ang boses na ito. Nakita ko ang maganda pero simpling babae na hingal na hingal dahil sa mabilis niyang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Huminto siya at tsaka naghabol hininga. Mukha siyang asong pagod dahil hitsura niya pero di iyon ang dahilan para matakpan ang kagandahan niya. Pero may isang tanong ang isipan ko. Ito ay kung sino siya at kung anong kailangan niya.

"Ano bang kailangan mo?", tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Imbis na sagutin niya ako ay nagtanong siya sa akin.

"Ano bang ginagawa mo diyan?", balik na tanong niya sa akin. Nag igting ang panga ko nang hindi niya ako sagutin. At mas lalong nag igting ang panga ko nang tanungin niya ako. I HATE QUESTIONS.

"Bulag ka ghurl? Obvious naman diba na nakatayo lang ako dito. Di mo nakita?", pilosopong sagot ko sa kanya. Ganito kasi ako, mainipin ang ulo lalo na sa mga taong hindi ko kilala. At mas lalong mainit ang ulo ko ngayon dahil broken ako.

"Aba! Sa dinami-raming pwede mong tatayuan diyan pa sa dulo ng bridge?!", gulat na saad nito. "Nababaliw kana ba? Sayang, ang gwapo mo sana kaso tanga ka!", pang-aasar nito sa akin.

Aba tanga pala ah? Well, totoo naman. Hindi lang ako tanga sa mga ginagawa ko kung di pati narin sa pag-ibig.

"So ano kung tanga ako? May problema ka? Anyways, hindi kita kilala and can you mind your own business, please?", medyo galit na sambit ko pero hindi ko pinahalata.

Sino ba kasing babaeng to? Kaunti nalang ang pasensiya ko nito.

"Ang sungit mo naman sir. Pwede ba? Bumaba kana diyan, para ka namang tatalon diyan eh", sambit nito.

"Tatalon na nga sana ako dzae, kaso panira ka", mahinang saad ko na halata namang hindi niya naririnig.

"Huy sir! Hindi ka lang yata tanga kundi bingi karin pala!", sigaw nito sa akin na halatang napipikon na.

"Eh ano naman kung bingi? Anong pakialam mo?", masungit kong saad.

"Ano ngang ginagawa mo diyan?", sambit nito habang nakataas nakataas ang isang kilay.

"Nagpapahangin lang, bakit? Angal
ka?", pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo naman ay balak ko ng tatalon.

"Buang ka ba?", tanong niya sa akin na akala nya ay hindi ko maiintindihan tsaka tumalikod siya at humarap sa mga dumadaan na sasakyan tapos sumisigaw " Huy! Sino bang timang ang magpapahangin sa dulo ng bridge?!", sigaw tapos tumawa, sumigaw siya ulit. "Hey everyone! Look at that guy!", sigaw nito sabay turo sa akin. "He is Zavier Alexander Winchester ang kauna-unahang nilalang na nakilala ko na nagpalahangin sa dulo ng bridge!", pagpalatuloy nito tapos tumawa ulit habang humarap na sa akin.

Sa totoo lang ang ganda niyang tingnan, mukha siyang mayaman at mabait kaso nakasuot lang siya ng janitor uniform pero nababagay rin naman sa kanya ang suot niya. She looks like an angel. Her soft and white skin that sparks in the rays of the sun. Her sweet and calm voice that can make you relax. Her thick-black hair that floats in the air. Her flows looks like perfect na kahit malayo ka sa kanya ay mapapahanga ka.

"Huy huwag mo akong pagtatawanan!". Pikon na sigaw ko habang nakatayo parin sa itaas ng bridge. Siguro ay narinig niya ako kaya tumigil siya sa pagtawa. Sino ba naman ang hindi makakarinig sa malakas kong boses na ito, e daig ko pa ang nakalunok ng limang mikropono.

"Bumaba kana diyan!", wika nito at tumawa na naman. Ewan ko ba kung napa-praning na ata tong babae na to, sayang pa naman ganda niya.

"Tumigil sa pagtatawa or else ay tatalon ako dito". Pananakot ko sa kanya kaya naging seryoso ang mukha niya. Kahit hindi pa siya titigil ay tatalon rin naman ako.

"Ano ba kasi yang problema mo? Bumaba ka nga diyan."

"Problema ko ito kaya huwag kang makialam."

"But thats not the solution. You know? What I mean is marami pang tao ang gustong mabuhay kaya ikaw ay dapat thankful ka because you have time to enjoy and discover what life is truly is while other is wishing for it. Problem is just a problem but God is greater than all." Sambit nito kaya nabuksan ang isipan ko. Yeah, she's right. Marami pang tao ang gustong mabuhay habang ako ay gusto ng mamatay. Im wrong. Im very wrong. I should enjoy my life and thanks God but what I do is opposite. I shouldn't do this.

"Pero nasabi mo lang iyon dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko", sambit ko at napabuntong hininga.

Naalala ko na naman kung paano ako pinagloko ng isang ARIELA CRUZZETE DEL PIERO. Naalala ko kung paano niya ako pina iyak at sinaktan ng lubusan. Who she dare to hurt me lime this? Yes hindi ako perpekto, but I have the looks, I have the money kaso medyo badboy ako sa klase but I know how to respect her. I know how to manage my time and never akong nawalan ng oras para sa kanya but why does she do this to me?

"Problem will be solve, believe me." Saad nito. Hindi ako sumagot kanya. Patuloy parin akong nakatayo sa dulo ng bridge hanggang sa namataan kung palabog na pala ang araw. Yumuko ako para makita kung anong nangyari sa baba at kung bakit hindi ko na narinig ang boses sa hindi ko kilalang babae.

Halos mahulog na ako sa kinatatayuan ko nang makita kong ang dami ng tao sa baba. Naging traffic narin at nakita kong may kumukuha ng vedio sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakasimangot na ang mukha ng babae na nakausap ko kanina. Dali-dali akong bumaba at nang makababa ako ay mabilis akong hinablot ng babae na nakausap ko kanina at tsaka tumingin siya sa mga tao at kuwamay-kaway.

"Sorry guys, may akyat challenge lang kami ng boyfriend ko" Pagsisinungaling niya sa mga tao tapos hinila na niya ako papalayo. Nagulat man ako pero wala ng iba pang nagawa. Naramdaman ko nalang ang sarili kong sumusunod sa kanya.

"Tulala ka ah?", tanong nito sa akin. Hanggang ngayon di ko parin malimutan ang sinasabi niya sa mga tao kanina. BOYFRIEND? NO! HINDI NYA KO BOYFRIEND!

"Bakit mo ko tinatawag na boyfriend kanina? Kapal ng mukha ah!", galit na sambit ko.

" HAHAHAHAHA ano ka ba? Joke.lang yun noh? Ikaw na nga yung pinagtanggol tapos ikaw pa yung galit, hmp". Sagot habang nagmamadaling humabol sa akin. Tinatawag nya ako pero hindi ko siya sinagot.

"Huy! Taray!", sigaw nito sa akin pero patuloy parin ako sa paglalakad.

"Aba! Alam ko namang gwapo ka kaya mamamansin kana", saad nito at patuloy parin sa pag sunod. Huminto ako at pumura na ng jeep. Hindi ko na pinansin ang babaeng yun, bahala na siya.

"Barya po", saad ko at nag abot na ng barya. Nagulat ako ng napansin kong nasa harapan ko pala ang babaeng nakausap ko kanina.

Paano siya nakasakay ng hindi ko man lang namalayan?

"Stalker?", inis na wika ko. Nakita kong nagulat siya at natigilan pero agad naman niyang nabawi iyon.

"No,I aint. Wag kang assuming. May nakalimutan pala akong ibibigay sayo", sambit nito at may kinuha sa bulsa ng unipormi niya.

"If thats not an important then stay away", saad ko pero hindi nakatingin sa kanya

"Oh sige, di ko nalang ibibigay itong ID mo", sagot nito at akma na sanang bababa ng jeep pero pinigilan ko.

"Sakin na yang ID ko, baka ipakulam mo pa", sambit ko at hinablot ang ID ko na nasa kamay niya

"wala yan sa dugo namin, sige bye at mauna na ako. BTW, nice meeting you Zavier Alexander Winchester", wika nito at tuluyan ng bumaba sa jeep.

Naalala kong naiwan ko pala ang ID ko sa lamesa ng kinakainan ko kaninang umaga. Trabahante pala siya sa isang fast food chain na malapit sa paaralan namin.

TO BE CONTINUED....

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon