CHAPTER 12

5 3 0
                                    

Matapos ang event ay pumunta muna kami ni Eluna sa mall. Sabi kasi niya na may damit raw siyang gustong bilhin kaya nagpasama siya sa akin.

"Luna ano ba yang damit na gusto mong bilhin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papasok ng mall

"Malamang damit," sagot nito

"Siraulo. Ano nga yung damit na gusto mong bilhin? Dress ba yun or tshirt or croptop or or gown or whatever out there!"

"Tshirt malamang," sagot niya. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang nagsusuot ng dress or gown. Kung makita mo kasi si Eluna ay simple lang siya pero kung manamit ay parang lalaki. Isipin mo [Maganda, maputi, sakto lang height, pala ngiti, cool kung tignan, medyo boyish dahil sa damit niyang susuotin pero nabagay rin naman sa kanya.]

"Bakit hindi dress?" tanong ko sa kanya

"Bibili ako ng dress, suotin mo ha?" sarkastikong saad nito

"Bakit ako?"

"Malamang gusto mo ng dress edi bilhan kita tapos suotin mo!"

"Tsssss," singhal ko at nagpapatuloy na sa paglalakad. Maganda ang mall, maganda ang makita mo pagpasok mo pa lang kaya habang naglalakad ako ay nilibot ko ng mga mata ko ang paligid.

"Wow! Ang ganda dito no?" ani ko na parang ignorante.

"Huy!" tawag ko sa kanya ng ma realised kong iniwan ako. AMPF! IKAW NA YUNG NAGPAPASAMA TAPOS IKAW PA YUNG NANG IWAN, ANG GALING ELUNA! ANG GALING!

"Ang bagal mo kasi eh!"

"Required bang magmadali? Ha!?" asar na ani ko. Ayaw ko sa lahat ang iwan ako.

"Hindi naman," nakangiting sagot nito. Yung klase ng ngiting pampamatay, ganern!

"Halika dito tayo," saad niya at pumasok na sa BUM

"Dun tayo," aniya sabay turo dun sa dulo. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako

"Buti nalang nandito pa ito," nakangiting saad niya at dali-daling kinuha iyong saninang gusto niya. Color Peach, akalain mong gusto pala ang peach kahit na boyish!

"Ang arte naman ng kulay," nakangusong ani ko.

"Wow?! Nahiya naman ang kulay sayo!" biro nito kaya natawa kami.

"Bakit dalawa yan?" tanong ko ng makitang dalawa ang kinuha niya

"Malamang, sayo tong isa para same tayo,"nakangiting sagot nito. ABAY DINAMAY PA AKO!

"Wag yang peach! Hate ko yang color na yan!"

"The more you hate the more you love!" ani nito at nauna na namang naglakad

"Luna, may napansin lang ako," basag ko sa katahimikan ng makalabas na kami sa mall

"Ano yun?" seryosong sagot nito

"Pansin kong ilang araw kanang hindi pumasok sa trabaho,"

"Ayaw mo nun eh palagi mo na akong makasama," si Eluna

"Pano na yung tuition mo?" nag-alalang tanong ko

"Uyyyyyy concern siya oh! Iba na yan Zev ha? Baka san pa yan mapunta," natatawang biro nito.

Abay assuming pala tong Eluna na to, hmpffff. SO WEIRD HAHAHAHA

"Assuming ka naman! Huy pangako ko sayong hindi ako mainlove sayo!" sigaw ko sa kanya kaya natatawa siya. MAY SALTIK?

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon