CHAPTER 6

2 1 0
                                    


"Thank you po manong, ito na po yung bayad," pagpapasalamat ni Luna sa driver at nag abot ng isang libo sa driver tsaka lumabas na at hindi hinintay ang sukli.


"Maam yung sukli po!" tawag ng driver kay Luna



"Keep the change, manong!" nakangiting sagot ni Luna. ANG BAIT NAMAN!



"Thank you po maam," ani ng driver at kinawayan lang ito ni Luna.




"Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami na hinfi ko alam kong saan patungo



"Bibili lang ng libro," sagot nito at pumasok sa National Book Store.



"Nagsasayang ka lang ng pera," wika ko at tiningnan niya ako ng masama


"Ano?!" tanong ko sa kanya



"Buying books is not wasting money, you know what? books is my hapiness kaya never akong nagsisi na inubos ko ang pera ko sa kakabili ng libro," ani nito at nagsimula ng pumili ng libro. Pinagmamasdan ko lang siyang abala sa pagpili ng libro. Kung may nagugustuhan siyang libro ay kinuha niya iyon at nilagay sa basket. Ang cute niyang tingnan. Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda pala niya kahit saang anggulo. Nung una ko siyang nakita ay nagagandahan ako sa kanya pero ngayon ay mas lalong nagagandahan ako sa kanya. Mas maganda siya ngayon compare noong una ko siyang nakita. Lahat ng lalaki na nakakita sa kanya sa loob ng bookstore ay titig na titig sa kanya. Ang iba ay sinadyang kumuha ng libro na nakalagay malapit sa kanya para lang malapitan siya. Ang iba ay kinuhaan siya ng litrato at may lumapit pa sa kanya para magpa picture. SO WEIRD!




"Zavier hali ka nga dito!" tawag nito sa akin kaya automatiko akong lumapit sa kanya



"Why?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya



"Diyan ka lang, napapagod na ako andami kasing nagpapicture hindi ako makapili ng maayos kaya diyan ka lang para wala ng magpapicture," ani nito. ANG CUTE NIYA



"Ayan! Nagpapaganda ka kasi kaya napagkamalan kang artista!" wika ko habang nakangiti. Ngumuso siya kaya mas lalo akong natatawa. CUTE TALAGA!



"Tulungan mo ko para madali tayo," saad nito kaya nag-abot ang kilay ko.



"Huy hindi ako marunong pumili!" sabi ko at umiling-iling



"HAHAHAHA ay oo hindi ka pala marunong pumili kaya ka palaging nasasaktan!" tawang tawa pa siya sa biro niya. SO WEIRD!



"Ng libro!" pikon na saad ko.



"Whatever. Tulungan mo na ako, kahit anong libro basta sa tingin mo maganda," sinunod ko ang utos niya. Kahit anong libro basta sa tingin ko maganda raw kaya kinuha ko yung books na may magandang cover. Marami ang napili ko dahil marami rin naman ang magagandang cover. Hindi ko tiningnan ang title ng pinili ko basta kinuha lang ang sa tingin kong magandang basahin.



"Oh ayan! Maganda yan!" ani ko at nilapag ang basket na pinaglalagyan ko ng books




"Bakit dictionary yang iba?" kunot-noo nitong tanong




"Saan?"



"Hindi mo ba binasa? Ayan oh! SCIENCE DICTIONARY" saad nito sabay pakita sa akin ang libro. DICTIONARY NGA! Maganda kasi yung cover kaya kinuha ko without knowing na dictionary yun



"Sorry madam!"



"Ibalik mo yan," utos nito kaya binalik ko ito sa lugar kung saan ko ito kinuha.



"Lakas ng AMATS mo Luna! Napapagod narin ako kakadala nitong libro mo!" reklamo ko ng makalabas na kami ng National Book Store.



"HAHAHA, kain muna tayo," yaya nito at dumaretso na kami sa Jollibee. Siya ang nag order at ako ang naghahanap ng table.



"Ayan kain na," sabi nito at inilapag ang pagkain sa table. Kinuha ko iyon at nagsimula ng kumain



"Gutom, HAHAHA" natatawang saad ni Luna. Hindi ko na siya sinagot at patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain. Naging tahimik siya for a couple of minutes kaya nagulat ako nang lumaki ang mga mata niya at mabilis na tumayo at lumabas.



"Huy! San ka pupunta?" tanong ko nito pero hindi ako sinagot. Susundan ko sana siya pero nakita kong sininyasan niya ako na dito lang daw ako.



"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya nang makabalik siya.



"Papakainin ko lang sila," sagot nito sabay turo ng dalawang bata. Isang batang babae at isang batang lalaki na puros yagit. May naalala akong ganitong pangyayari pero hindi ko lang matandaan kong kailan. Basta ang naalala ko lang ay nakita na akong batang babae at batang lalaki na pumasok sa Jollibee para kumain pero hindi sila nakapasok dahil wala silang kasamang magulang



"Upo muna kayo baby, mag order lang si ate," sabi ni Luna sa mga bata kaya umupo ito. Nasa tabi ko umupo ang batang lalaki kaya nginitian ko siya. Ewan ko ba pero ganito nalang ako kasaya ng makita ko ang dalawang batang ito.



"Magkapatid ba kayo?" tanong ko sa batang lalaki. Umiling siya ng umiling at sinabing magkaibigan daw. May naalala na naman ako, dalawang bata na babae at lalaki rin na magkaibigan at nangakong magpapakasal pag aabot sa legal age nila. Siguro sa TV ko nakita iyon, basta cute lang para sa akin iyong ganun.




"Be good to her ha? Huwag mo siyang saktan at iwan. You should protect your friend kasi babae siya," sambit ni Luna habang nangingilid ang nga luha sa kanyang mata




"Yes po ate maganda. Pinangako ko na po kay Iya na hindi ko siya iiwan at sasaktan," sagot ng batang lalaki. Tuloy na bumagsak ang mga luha sa mata ni Luna, hindi ko alam kong bakit pero baka may pinagdaanan siya



"Ba't ka umiyak?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at pinahiran ang luha niya



"Naalala ko lang ang bestfriend ko," pilit siyang ngumiti pero hindi iyon ang dahilan para matakpan ang lungkot niya. Parang kinumot ang puso ko nang makita ko siyang ganyan. Kilala ko siya bilang masiyahin at madaldal pero hindi ko alam na ang dalawang batang ito lang ang makakapaiyak sa kanya. SO WEIRD!




"Siguro sobrang mahal mo talaga yang bestfriend mo. Swerti niya sa iyo, may bestfriend siyang maganda, mabait at matulungin," aniya at binigyan siya ng tissue.

 to be continueeeeedddd.



FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon