CHAPTER 11

1 2 0
                                    


"Huy ano ba!? Kanina pa kayo dyan ah!" sigaw ni Luna sa amin ng makabalik na siya. Nagulat ako kaya napatayo ako ng bigla at tsaka sabay akong pinagtatawanan ng dalawa kong pahamak na kaibigan



"HAHAHAHAHAHAHAA" malakas na tawa nilang dalawa.



"Shut up!" sigaw ko sa kanila at tiningnan sila ng masama. Nilingon ko naman si Eluna at natatawa narin siya



"HAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa nilang tatlo.



"Ano ba yan? Nakakahiya ka choy!" sabi ni Bryan habang nilingon ako.



"B-bakit?"



"Baka ma turn off si Luna niyan," sabat ni Christian. ANO BANG PINAGSASABI NITONG DALAWA? Tiningnan ko si Luna at nagpigil tawa siya



"Huy baka mauutot ka diyan kakapigil mo ng tawa!" sabi ko kay Eluna pero hindi na talaga niya napigilan at tumawa na talaga siya ng malakas



"Bwahahahahahahahaha," malakas na malakas nitong tawa. MAY SALTIK?



"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko



"Huy abnoy! Laway mo tumutulo, wag kang praning!" si Chrstian. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun. Paanong nangyari? Hinawakan ko ang bibig ko at totoong may laway na tumutulo, kakahiya! Ampf!



"Gagi, bakit ngayon mo lang sinasabi?" inis na baling ko sa dalawa. Nakakainis! Ngayon nalang sinasabi na nakita na ni Eluna



"Eh kasi tumawa muna kami!" natatawang ani ni Bryan.



"Pahamak talaga kayo, kahit kailan!"



"Oh nasan na yung juice?"tanong ni Christian kay Eluna



"Ay ito!" sagot ni Eluna at inabot ang juice



Masaya kaming nag kwentuhan about our past at kung anong background naming tatlo ni Bryan at Christian. Sinabi rin namin kung paano kami nagkakakilala. Kami lang tatlo ang kumukwento kasi ayaw ni Eluna na ikwento ang sa kanya. Pansin ko kasing hindi niya pinapaalam kung sino talaga siya at sino ang pamilya niya.



"Luna nagka crush kana ba?" biglang tanong ni Christian sa kanya. Nagulat ako at si Eluna naman ay natigilan pero ng makarecover siya ay agad siyang ngumiti pero malungkot ang mga mata niya



"S-sorry kung naitanong ko,"napahiyang ani ni Christian



"Di, okay lang. Oo, nagka crush narin ako malamang!" nakangiting sagot nito



"S-sino?" nahihiyang tanong ni Bryan. Ka lalaking tao pero tsesmoso



"Syempre yung bestfriend ko," nakangiting sagot nito.



"Ahhhhhhh" mahabang ani naming tatlo


"HAHAHAHAHAHAHA," tumawa na naman si Eluna ng malakas.



"B-Bakit?" nagtatakang tanong naming tatlo



"Walang, ang weird lang ng sagot niyo, natatawa tuloy ako," natatawang sagot nito. Tsk! Yung lang pala



"Hi Zev!" singit ni Ariela. PATI BA NAMAN ANG MASAYANG KWENTUHAN NAMIN AY SISIRAIN MO?



"Ehem," sabi ni Christian at pekeng umubo habang si Bryan at Luna ay nagulat na nakatingin sa aming dalawa ni Ariela



"O-oh H-hi," napipilitang bati ko.



"I bought foods for you baka kasi magugutom ka. Favorite mo to, fried chicken at tsaka may rice rin," nakangiting ani nito at tsaka inabot ang pagkaing dala niya. Pag maririnig ko ang FRIED CHICKEN na word ay magugutom ako pero kung sa kanya ko marinig yun kukulo ang dugo ko.



"Ahh, sige thank you nalang pero busog ako eh," pagtatanggi ko. GUTOM KA ZEV! ANO BA!?



"Kunin mo nalang to, baka magutom ka,"pagpupumilit niya. Tiningnan ko sila Bryan, Christian at Eluna, salubong ang kilay nilang tatlo at tsaka tutok na tutok sa aming dalawa ni Ariela



"Ay wag na, may pera naman ako tsaka isa pa marami ang kinakain ko kaninang umaga kaya matagal pa akong magutom,"



"Hmmmm sige." sabi niya sa akin at nilingon pa si Eluna at tiningnan ito ng masama "May utang ka pa sa akin," seryosong sabi nito at tsaka nginitian lang siya ni Eluna



"Bakit? Nagtitinda kaba?" sagot ni Eluna.



"HAHAHAHAHAHAHAHAHA," malakas na tawa ni Christian habang namumula.



"Sige, mang inis ka lang diyan! May araw ka rin sa akin," inis na ani nito at tinalikuran na kami.



"BWAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa naming apat ng makita namin ang OA na paglalakad ni Ariela. HMMMMM, akala siguro niya ay makukuha niya ako sa lakad na yan



"Ate! Ate!" sigaw ng batang babae kay Eluna na hingal na hingal pa at pinapawisan



"Oh?" sagot ni Eluna ng makalapit sa amin ang bata



"Hinahanap ka po ng isang magandang babae na mukhang mayaman, nasa labas siya ng gate sabi niya na papuntahin raw kita dun kailangan ka daw niya makausap," sabi ng bata. Nagulat man si Eluna pero dali-dali siyang tumayo at nagpaalam sa amin tsaka mabilis na tumakbo papunta sa main Entrance



"Sino kaya yun?" tanong ni Bryan



"Baka mama niya,"sagot ni Christian.



"Puntahan kaya natin?" ani ko at nagulat naman ang dalawa.


"Sigurado ka?" tanong ni Christian



"Malamang!" sigaw ko sa kanya. Ngumiti sila at tsaka sumunod naman sa akin papuntang main Entrance



"Aray!" sigaw ni Christian ng may bumangga sa kanya



"Ano ba!? Tanga-tanga mo naman! Hindi mo ba nakikita ang daan!?" inis na sigaw ng lalaki. Nakatalikod siya kasi kaya hindi namin makita ang mukha niya.



"Abay gago pala to ah!" inis na ani ni Christian at tsaka hinablot ang collar ng lalaki na nakabangga sa kanya.



"Huy Chan tama na!" pigil ko sa kanya pero hindi parin siya nakinig



"Zian?!" gulat na sabi namin ni Bryan ng makita namin si Zian. ANG BULLY NA MATABA!



"Oh bakit!? Ang tapang niyo ah!" hambog na ani nito



"Tssss" si Bryan



"Tara na Chan," ani ko at hinablot si Christian dahilan para mapasunod siya sa amin ni Bryan



"Sige, magkita nalang tayo mamaya,"rinig naming sabi ng magandang babae na kausap ni Eluna



"Sige, Bye mag ingat ka,"nakangiting sagot ni Eluna tsaka tinalikuran na ang magandang babaeng kausap niya.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon