CHAPTER 13

5 2 14
                                    

FEW MONTHS LATER

"Bro may balita na ba kay Eluna?" tanong ko kay Christian

"Hanggang ngayon ay wala pa eh,"sagot nito.

Pagkatapos kasi ng event nung nakaraang buwan ay hindi ko na nakita si Eluna na pumasok dito sa paaralan at sa trabaho niya.

Mula nung nawala siya ay nag iba na ang takbo ng buhay ko. Nakakamiss siya, nakaka miss ang pagiging makulit niya.

"Wala kabang number niya?" tanong ni Bryan

"Nag change ata siya ng sim eh,"ani ko

"Ah sige, baka nag bakasyon lang,"saad ni Christian.

Hindi na kami muling nagka usap dahil sa pumasok na ang Professor namin.

"Class, babalik na ang anak ng may ari ng school natin bukas kaya ngayon ay mag general cleaning nalang tayo," sabi niya

"Wooah!"

"I really miss her so much"

Rinig namin ang exitement ng mga kaklase namin. Nakatulala lang akong nakatingin sa bintana.

'Kung may babalik man, sana si Eluna nalang' sabi ko sa isip ko at tsaka bumuntong hininga.

"Wuy! Uwian na!" sigaw sakin ni Bryan

"Tara na bro,"ani ni Christian

"Wala ka na naman sa sarili mo eh!" sigaw ni Bryan

"Yung bunganga mo Bryan ano ba!" asik ko sa kanya

"Oki, oki!"

"Sige na bro tara na," sambit ni Bryan kaya tumayo ako at kinuha ang bag ko tsaka naunang lumabas.

"Bro?"tawag ni Bryan sakin

"Ano!?"

"Nakita ko sa FB kanina. Si Eluna daw ay nasa Korea kaya pala hindi natin siya nahanap dito," saad nito

"Anong ginawa niya dun?"tanong ko

"Di ko nga alam eh, basta ang alam ko lang ay nasa Korea siya,"sagot nito

"Bakit hindi alam nila mom?"

"May koneksyon ba si Eluna at ang mama mo?" tanong ni Christian

"Nasabi kasi ng kapatid ko noon na matalik daw sa kaibigan si Mommy at ang mommy ni Eluna,"sagot ko

"Edi tanungin mo yung mommy mo," sabi ni Christian

"Para kasing may tinatago sila sa'kin eh"

"Bakit naman?"

"Sabi kasi noon ni Methu sakin na magkaibigan raw sila mommy at ang mommy ni Eluna pero bakit diko alam, diba?"

"Baka dahil sa---" hindi natapos ni Bryan ang sasabihin niya ng mabilis itong tinakpan ni Christian

"Yung bibig mo Bryan,"rinig kong bulong ni Christian kay Bryan

"May tinatago ba kayo na hindi ko nalaman?" tanong ko sa kanilang dalawa

"Wala bro, hehe. Bryan sige na! Ituloy mo na yang sasabihin mo,"nakangiting ani ni Christian

"Ano kasi bro, baka kasi hindi mo lang alam kasi hindi ka palahing kasama ng mommy mo diba?" saad ni Bryan

"Hmm, pwede rin naman,"ani ko at sumakay na sa kotse

"Mauna na ako bro,"sabi ko at tsaka mabilis na pinaandar ang kotse.

Pagka dating ko sa bahay ay mabilis kong pinark ang kotse at nagmamadaling pumasok sa kwarto para matulog.

"Tev! Tingnan mo oh! Ang daming tao sa loob ng Dalibee," sabi ng cute na batang babae sa batang lalaki.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon