CHAPTER 9

2 2 0
                                    

"Luna, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Hindi ko alam kong saan kami patungo basta ang alam ko lang ay sumusunod ako sa kanya.



"Sa park lang," ani nito habang mabalis na naglalakad. "Bilisan mo Zavier!" sigaw nito ng makalayo ito. Ang lakas kasi niyang maglalakad, halos mahihilis na yung tsinelas niya.



"Ano ba kasing gagawin natin diyan? Sabi mo bibili lang tayo ng foods," sabi ko habang naghahabol sa kanya



"Bilis nga sabi eh!" pikon na ani nito. Ano ba kasing minamadali niya?



"Ang bilis mo kasing maglalakad, sumasakit na yung paa ko," reklamo ko habang nakasunod sa kanya



"Sana'y di ka nalang sumama! Bagal mo maglakad, mukhang ina-arthritis!" ani nito kaya kumunot ang noo ko. SANA NGA, PINAGSISIHAN KO PA KUNG BAKIT AKO SUMAMA



"Paghuwat ragud diha ay! Relax tayo kahit sandali lang," kunot-noong sagot ko.


"Uy ayan na sila! Bahala ka diyan Zavier!" tumakbo siya papunta sa nay seasaw. Nilapitan niya yung dalawang bata. Sila yung mga bata na nakasama namin sa Jollibee. Nilapitan ko sila at ngumiti ng makita nila ako.




"Hi kuya! Gwapo mo naman!" wika ng batang lalaki at lumapit sa akin.



"Hello, kamusta ka?" sagot ko at kinarga siya. Tuwang-tuwa pa siya.



"Okay lang kuya, ikaw?"




"Okay lang din. By the way, nasan mama mo?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano naalis ang saya ng bata at napalitan ng lungkot ang ang kanyang mukha. May mali ba sa tinatanong ko?



"Wala po akong mama, iniwan na po ako," malungkot na sagot ng bata. Naawa ako sa kanya, sobrang bata pa niya para makaramdam ng ganun kahirap. Kaya pala namamalimos lang siya. SO SAD



"Gutom kana ba baby?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya. Nginitian ko siya at nilapitan sila Eluna at ang kaibigan ng batang lalaki.



"Luna pakainin muna natin sila," aniya habang karga ang bata. Ngumiti ng malapad si Eluna nang makita niya kami. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at kinuhaan kami ng picture sa batang lalaki.



"Delete mo yan! Magmukha akong batang ama! " pagpupumilit ko sa kanya pero ang tigas niya. Hindi talaga niya e dedelete




"Bahala ka!"



"Luna, hindi kita papansinin pag hindi mo yan e dedelete," banta ko sa kanya. Alam ko namang hindi ko yun magagawa sa kanya HAHA



"Edi huwag, problema ba yun?" madali palang kausap tong si Eluna. Minsan nakakapikon, SO WEIRD!


"Tsss, kain muna tayo,"pagyaya ko sa kanya. Automatiko naman siyang kumilos at sabay kaming apat na pumunta sa Jollibee



"Damihan mo sa pagkain baby, pagkatapos nito pupunta tayo ng mall tsaka mag shopping tayo, " masayang ani ni Eluna. Ngumiti ang dalawang bata at tsaka nagkarera pa kung sino ang unang makaubos sa pagkain. Nagmukha tuloy kaming pamilya.



"Ang saya nila no?"



"Gwapo ah, pamilyado na nga lang"


"Bakit hindi nila kamukha yung dalawang bata?"



"Baka sa kapit-bahay nagmana"



Dinig na dinig ko ang mga sinasabi ng dalawang babae sa gilid namin. Tsss, chismosa. Hindi ko mapigilang mag init ang ulo. Parang kahit anong oras ay makasapak ako ng tao



"Huy! Ano ba!? Mga tsismosa!" sinigawan ko ang dalawang tsismosa. Nakita kong maganda silang dalawa pero wala ng mas gaganda pa kay Eluna--ay joke, nadulas ang dila ko. Mas wala na palang igaganda sa babaeng marunong rumespeto. Hindi ko tuloy mapigilan na sigawan sila. BTW, hindi na bago para sa akin ang paninigaw ng mga tao. Bully ako noon pero nagbago simula nung nakilala ko si Ariela but ngayon ay wala na kami pero thankful parin ako sa kanya dahil papaano ay may naitulong siya sa akin.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon