Untitled Part 8

1 1 0
                                    


"Anong nangyari bess?" tanong ni Eluna nang makalabas ako. Nilagpasan ko lang siya at hindi pinansin.



"Huy! Wait!" sigaw nito at humabol sa akin. Hindi ko parin siya pinansin at nagpatuloy ako. Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng bottled water. Umupo ako sa bench at huminga ng malalim.



"Bess ano ba kasing nangyari? Did she hurt you?" tanong ni Luna nang makarating. Hingal na hingal pa siya dahil tumatakbo siya para sundan ako.



"Wag mo muna akong kausapin, wala ako sa mood," sagot ko at tinungga ang botilya ng tubig.



"Ngi, bahala ka diyan"



"Shut up Luna, hindi ko gusto ng ingay!" saway ko sa kanya kaya tumahimik siya.



"Food,"ani nito at inilagay sa lamesa ang burger stick.



"No thanks"




"Ganun talaga no? Diyan na sila magsisi kapag huli na ang lahat,"wika nito pero hindi ko lang pinansin. Iba ang iniisip ko ngayon. Iniisip ko paano ako nagpakatanga kay Ariela noon. Sinabi ko pa sa kanya noon na gagawin ko ang lahat muli lang siyang maging akin. How weird! Pinagsisihan ko talaga kung bakit sinabi ko yun




"Shut up Ariela! How dare you to hurt my bestfriend ha!?" bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Eluna na halatang galit na galit na. Tiningnan ko muna kung saan siya nakaupo kanina pero wala na siya..Laking gulat ko nalang nang makita kong nakatayo na siya at kaharap si Ariela.




What did she do?




"Shut up ka rin Miss Eluna! Hindi mo alam ang totoong rason kaya wag kang magpanggap na alam mo ang lahat!" taas boses na sagot ni Ariela.




"HAHAHA," sarkastikong tumawa si Eluna at nagpapatuloy na. "Paanong hindi ko malaman ang totoong rason na ginamit mo lang si Zavier dahil sa pera nila? Wake up Ariela! Alam mo na kung sino ang binabangga mo at walang sekreto ang hindi ko nalalaman," walang reaksyon niyang aniya. Nagulat man ako pero hindi ako nakapagsalita. Halata kong galit na galit na si Eluna pero pinipigilan niya lang iyon. Hindi man lang mababasa sa reaksyon at mukha niya ang galit pero alam kong galit na siya.




"At saan mo nakuha ang pekeng rason na yan Miss Eluna? Ow come on, hindi ko minahal si Zavier dahil sa pera nila but I love him because I really love him," ani ni Ariela. Sa tingin niya? Mahal ko pa ba siya? HAHAHAHA malapit ng mawala, wrong time la ARIELA! Nagawa pa niyang tawagin si Eluna na Miss kahit galit na galit na siya.




Ang reaksyon naman ni Ariela ay kabaliktaran sa reaksyon ni Eluna. Kitang-kita na sa mukha niya ang galit pero nagawa pa niyang respituhin si Eluna. Hindi ko alam kong anong background ni Eluna at saan siya galing pero mataas ang respito ng lahat ng estudyante at guro sa kanya.




"Ah really? You truly love him pala, pero bakit mo siya sinaktan? Bakit mo siya pinagpalit kay Khalid? Dahil ba mas mayaman si Khalid kesa sa kanya? Kung pera lang pala ang hinahabol mo pwes, habulin mo ko!" sambit ni Eluna at sinamaan ng tingin si Ariela. Gusto ko pa sanang awatin sila pero para akong nanood ng pelikula na nakanganga ang bibig sa sobrang thrilling.




"Shut up Eluna Astrea Moonchester! Bestfriend kalang niya pero jowa niya ako!" inis na inis na sigaw ni Ariela. Nawawala na ang respeto niya dahil binanggit na niya sa totoong pangalan ni Luna. Nagulat ang lahat ng estudyante at guro na nanonood sa eksena nila dahil sa pagbanggit ni Ariela sa pangalan ni Luna na wala man lang "MISS" or etc. COMPLETE NAME PA! HAHAHAHA

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon