"C'mon dad, don't worry about me" nakangiting sabi ko sa aking ama na ngayon ay bakas ang pag aalala sa mukha
"It's just that-ngayon ka lang malalayo samin ng mommy mo, anak" sabi nito sakin bago tumingin kay mommy na kanina pa umiiyak
"A-anak, hindi ba pwedeng dito ka na lang?" umiiyak pa din sabi ni mommy, pilit akong napangiti
"Mom, I'm 18 years old and I'm not a child anymore" nakangiti kong sabi
"B-but-anak hindi ka sanay sa lugar na yun!" huminga ako ng malalim
"Paano ako magiging independent nyan kung dito dito lang din pala ang punta ko mom, I almost spend my whole life dito sa bahay. Ngayon lang ako humiling sa inyo at sana mapagbigyan nyo ko" nasa boses ko ang determinasyon habang sinasabi ko iyon sa kanila
"O-okay na sana samin baby, pero ba-bakit doon pa?!" napatingin ako kay daddy ng magsalita ito
"I-I just want to, dad" kinakabahan kong sabi
"Wala ka namang ibang gagawin doon diba, anak?" ngumiti ako ng matamis sa kanila
"Of course mom, mag aaral lang ako doon at wala ng iba" labas sa ilong na sabi ko
"Okay, if that's what you want" sabi ni daddy bago nya akayin si mommy palabas ng kwarto ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at kinuha ang isang litrato mula sa aking bulsa.
"Konting konti na lang Sab, I know it's not suicide I know" muli na naman nangilid ang mga luha ko ng maalala ang huling gabi na kasama ko sya
"C'mon lil sis! Masarap kayang gumala!" nakangiting sabi ni Sabrina sakin habang nag aayos ng kanyang mukha
"Nah, dito na lang ako sa bahay at magbabasa ng libro" tamad na sabi ko
"Tsh, books books books baka naman mas ituring mo pang kapatid yan kesa sakin?!" nagtatampo nyang sabi kunwari kaya naman mahina akong napatawa at ibinaba ang librong binabasa ko at lumapit sa kanya
"Hindi kasi ako sanay makihalobilo sa ibang tao Sab, you know that diba?" tumabi ako sa kanya kung saan sya nakaupo.
Hindi ako magtataka kung madaming nahuhumaling dito kay Sabrina, she's a picture perfect. Maganda kahit saan mo tignan, maganda din ang kanyang katawan at hindi lang iyon dahin matalino rin sya kumbaga Beauty and Brain ika nga nila.
"So kailan ka pa makikihalobilo sa ibang tao? Kapag patay na ko?" biglang sabi nya na ikinagulat ko
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" inis na tanong ko sa kanya
"Hahahahahaha just kidding" nakangiting sabi nya pero nakita ko ang emosyon na dumaan sa kanyang mga mata, hindi ko alam pero parang ang lungkot nya. Tumayo na sya at inayos muli ang dress na suot nya
YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Mystery / ThrillerSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...