"Saan ka pupunta?" tanong ni Alexandra matapos akong mapansin na papalabas ng kwarto ko at nakasuot ng jacket.
"Ah...Magpapahangin lang" pilit ang ngiti na sagot ko bago sila iwan doon. Tahimik lang akong bumababa sa hagdan habang iniisip ang mga nakita ko kanina, napabuntong hininga na lang ako matapos yun.
Agad akong napayakap sa sarili matapos maramdaman ang lamig sa buong katawan. Malapit na kasi ang pasko kaya ganun na lang lamig.
'Kamusta na kaya sila mommy?'
Nang pumasok sa isip ang aking mga magulang ay dali dali akong tumawag sa bahay. Ngunit ganun na lang ang pagkakunot ng noo ko ng walang sumagot sa aking tawag. Sumubok akong muli hindi lang isa kundi tatlong tawag pero wala pa rin. Nakanguso kong ibinalik na lamang yun sa bulsa.
Naglakad lakad ako at kahit ni isang tao at wala akong nakikita. Sabagay, anong oras na rin kasi kaya nasisiguro kong nasa kanya kanya na silang kwarto. Nang may makitang puno ay mabilis akong lumapit doon at umupo.
Kapag ganitong gusto kong mapag-isa ay gugustuhin kong makakita ng puno. Pero itong isang puno lang yata ang nakikita ko dito at wala ng iba. Kinuha ko ang earphone sa aking bulsa ng jacket at mabilis na sinalpak yun sa phone at nakinig ng kanta. Ang paborito kong kanta. Intro pa lang ay napapangiti na ko.
🎶Why do birds suddenly appear...Every time you are near?...Just like me, they long to be...Close to you🎶
Mabilis kong sinabayan ang kanta habang nakapikit at ninanamnam ang lamig ng gabi
🎶Why do stars fall down from the sky...Every time you walk by?...Just like me, they long to be...Close to you🎶
Habang sumasabay sa kanta ay biglang na lang pumasok sa isip ko ang imahe ni Sabrina, ayun na naman ang luha ko at nag uunahan sa pag bagsak. Paborito kasi namin itong kantahin lagi lalo na kapag nasa harapan kami ng piano.
🎶On the day that you were born the angels got together...And decided to create a dream come true...So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue🎶
Napapangiti ako habang inaalala ang mga pinagsamahan namin ni Sabrina, hindi kailanman naging malayo ang loob namin sa isa't isa.
🎶That is why all the girls in town...Follow you all around...Just like me, they long to be...Close to you🎶
'Oh! Sabrina! I miss you'
🎶On the day that you were born the angels got together...And decided to create a dream come true...So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue🎶
Pumipiyok na ko sa pag kanta dahil sa pag iyak pero ayokong tumigil
🎶That is why all the girls in town...Follow you all around...Just like me, they long to be...Close to you🎶
'Miss na miss na kita'
🎶Just like me, they long to be...Close to you🎶
'I want you here again, Sab'
🎶Wa, close to you...Wa, close to you...Ha, close to you...La, close to you🎶
Hindi ko na natapos pang kantahin ang dulo ng kanta dahil kinapos na ko sa hangin at umiyak na lang ng umiyak. Akala ko tanggap ko na, akala ko kaya ko na pero lahat lamang pala iyon ay akala lang.
Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak habang nakatingin sa mga bituin. Ni hindi ko na nararamdaman ang lamig sa aking katawan. Tahimik lang akong umiiyak habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na sana maging ayos ako.
"Bakit nga ba umiiyak ang mga tao?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko! Pero hindi ko nagawang kumilos para tignan kung sino yun
"Ang mga mata natin ay parang mga ulap" nasisiguro kong nasa likod lang sya ng punong kinasasandalan ko ngayon.
"Na kapag bumigat ay bigla na lang uulan, parang mata natin kapag hindi na kaya bigla bigla na lang lumuluha" napatingin ako sa biglang may pares ng paa ang nalatayo sa gilid ko ngayon, dahan dahan ko yun sinundan hanggang sa makita ko ang mukha nya
'Calvin...'
"It's getting late, what are you doing here?" tanong nya, hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang sya sa mukha. Natatapatan sya ng liwanag na nagmumula sa buwan, na mas lalong nagpalabas ng kagwapuhan nya. Nang maramdaman siguro nya na hindi ako magsasalita ay naupo sya sa tabi ko, muli ay hindi ako gumalaw kaya ganun na lang ang gulat ko sa sobrang dikit namin sa isa't isa.
"Your sister talks a lot about you" biglang sabi nya sa gitna ng katahimikan, hindi ako lumingon pero nakikinig ako
"Every vacation, pagkatao mo ang kwemto nya palagi samin" narinig ko ang mahinang tawa nya bago nagpatuloy sa pagkuwento
"Lahat sila ay interesado sa pagkatao mo maliban sa isa" dun ako tumingin sa kanya
"Sino?" agad na tanong ko
"Ako" diretsong sagot nya habang nakatingin sa mga bituin
"Wala akong pakealam sa mga taong hindi ko naman kilala, not until may isang bagay na nakwento sya samin na nakakuha ng atensyon ko" hindi na sumagot, naghihintay sa susunod nyang sasabihin
"That you don't trust anyone except your family, kaya nga home school ka" narinig ko na naman ang pagtawa nya ng mahina
"Me too, I don't trust anyone except my friends" mabilis na dagdag nya
'Friends? How about his family?'
"Si Sabrina...sya yung tao na kapag may mali sa nakikita...pipilitin nyang alamin kung ano yung mali na yun" narinig ko ang pagbuntong hininga nya
"Dala ng curiosity, lagi na lang syang napapahamak" agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nya
"What do you mean?" agad na tanong ko
"Sya ang nakapansin sa mga namamatay every year" nagsalubong ang kilay ko pero hindi ako nagsalita
"Nung una ay hindi kami naniniwala syempre, pero nung hulaan nya kung ilan ang mamamatay nung nakaraang taon ay tumugma iyon sa bilang ng mga namatay talaga" nanatili pa rin akong tahimik
"Lagi na syang ginagabi, minsan pa nga ay may sugat na sya sa iba't ibang parte ng katawan pero hindi nya sinasabi kung saan yun galing" bumuntong hininga na naman sya
"Nakilala kita dahil sa kwento nya at mukhang mas makikilala kita ngayong nandito ka na" nakangiti nyang sabi, halatang iniiba ang usapan
"You should learn how to let go, Savi" nakangiting sabi pa rin nya
'Savi? Wth?! Pero hindi ko na yun pinagtuunan pa ng pansin'
"She's my sister, how can I let her go!" inis akong napatayo sa sinabi nya, tiningala naman nya ko
"She's also our friend" walang emosyon nyang sabi
"Hindi kayo totoong kaibigan" biglang sabi ko, nakita ko ang pag iiba ng kalmado nyang itsura. Mabilis syang tumayo at sya naman ngayon ang tinitingala ko
"Ano ba sayo ang kaibigan?" biglang hamon nya
"I don't do friends" seryosong sabi ko, natawa sya pero halatang sa inis galing yun
"Yeah, If ever na may mangyari sayong masama hindi ko na alam ang magagawa ko" seryosong sabi nya at pagkatapos ay mabilis itong tumalikod para maglakad ng mabilis. Matagal ko pang tinitigan ang papalayo nyang bulto bago sumunod sa kanya.
_________________________________________
Please don't forget to vote and leave comments! :)missgeraldayn
❣

YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Misteri / ThrillerSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...