Hindi ko alam kung bakit ako lumabas at sinabing may pupuntahan kahit wala naman talaga. Madilim na nung makalabas akosa dorm, tumingala ako para tignan ang bintana ng room namin ni Scarlet bago tumingin sa Faculty Room ng mga Professors.
Kung titignan mong mabuti, talaga namang kitang kita ang ang bintana na kinaroroonan namin kanina mula sa Faculty Room kesa sa bintana na nandun sa kwato. Ni hindi ko nga alam kung bakit nasa tapat ng dorm ang Faculty Room at malayo sa mga classrooms.
Naglakad lang ako ng naglakad habang lumilinga linga sa paligid, madilim na at wala akong dala kahit cellphone dahil nasa bag ko yun na nakapatong sa sofa kaya naman ganun na lang ang pangangapa ko sa dilim pero matapos ang ilang segundo ay nasanay na rin ako kaya naman tumakbo ako papuntang gym. Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumunta ngayon dun sa ganitong oras!
Hindi nakasara ang pinto ng gym ng dumating ako dun, walang rason pero bigla akong kinilabutan. Napahawak agad ako sa magkabilang braso ko dahil sa naramdamang lamig. Dahan dahan kong tinulak ang pinto at nagbigay ito ng nakakakilabot na tunog. Agad na sumalubong sakin ang madilim na gym! Mas lalo akong nanlamig.
Gusto ko ng bumalik sa dorm pero may sumasagi sa isip ko na may kailangan akong makita. Dahan dahan akong naglakad habang nakahawak sa rails ng mga upuan, ni hindi ko alam kung nasan ako banda. Maya't maya kong tinitignan ang labasan dahil sya ang nagbibigay ng liwanag sakin mula sa buwan.
Naglakad pa ko ng naglakad na para bang may tinatandaan pa kung anong bagay hanggang sa hindi ko na matanaw ang exit bagkus mga mahihinang boses ang narinig ko! Mukhang papunta rin sila sa gym. Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng makitang may dala silang flashlight! Hindi ko man sila makita mula sa exit pero nakikita ko naman sng flashlight nilang malayo ang nararating at malakas ang kutob ko na nasa dalawa lang sila.
Nang maramdaman ko ang paglapit nila ay nagmadali na kong maglakad paatras, ang paningin ay nandun sa gawi nila at halos kumawala ang puso ko sa aking katawan nang may mabunggo akong matigas na bagay sa likod ko. Hindi ako nakagalaw, pinakiramdaman ko ang nasa likod ko at nang masogirong humijinga rin yun katulad ko ay mas lalo akong kinahaban!
'S-sino 'to?!'
Halos hindi ako makahinga ng unti unting lumakas ang mga boses, nagpapahiwatig na malapit na sila sa pwesto ko! Ang ilaw na galing sa kanila ay bumabanda na sa paa ko habang unti unti kong nararamdaman ang paghawak sa balikat ko, mahigpit at handang tangayin ako kung saan. Alam kong mahuhuli nila ako once na lumiko sila ng tuluyan kaya napapikit na lang ako ng mata mapatapos mapagtanto na tama ang hinala ko.
Pero agad rin naman napamulat ng bigla akong hatakin nung tao sa likod ko papunta sa gilid kung saan sobrang dilim bago pa mana kami maabutan ng ilaw. Ramdam ko ang hininga nya sa uluhan ko, mabibigat yun na para bang kinakabahan rin sya. Napasiksik pa ko sa kanya nang halos tumapat sila samin, dahan dahan akong pinaupo ng kasama ko at pumunta sa harapan ko.
"Humanda ka sakin mamaya" nahihimigan ko ang galit sa kanyang boses pero naroon ang pag aalala, pamilyar sakin ang boses na yun hindi ko lang alam kung saan ko narinig
"Sino ka?" mas mahina kong tanong
"Tsk" tanging sagot lang nya sakin at tinalikuran na lang ako basta habang ang kamay ay nasa gilid ko pa rin na parang prinoprotektahan nya ko sa kung sino mang susugod sakin.
"Linisin mo mabuti yan, ayokong may mga estudyanteng makapansin sa dugo na yan" isang utos mula sa lalaking matangkad at may hawak na flashlight, nalatalikod ito mula samin kaya hindi ko makita ang mukha nya ganun rin ang kasamahan nya.
"Yes, Sir" sagot ng kasama nya, hindi na sumagot sa kanya ang tinawag nyang Sir kaya nagsimula na syang mag linis
"Kanina pa po ito Sir kaya medyo madikit na ang dugo" muli ay hindi na naman ito sumagot
YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Mystery / ThrillerSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...