Nakarating kami ng matiwasay sa dorm namin ni Scarlet at naabutan namin silang dalawa ni Kurt sa couch, magkatalikod at parehong tahimik. Ni hindi man lang napansin ang pagdating naming walo.
"What's going on here?" agad na tanong ko, pero wala pa rin gumagalaw sa kanilang dalawa. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko bago napagpasyahan na gulatin sila dahil parehong naglalakabay pa ang mga isip nila.
"SUNOOOOOOG!" sabay sabay na sigaw namin pero wala man lang nagulat sa kanila! Si Scarlet ay dahan dahan tumingin papunta sa gawi namin.
"Nandito na pala kayo guys, what do you want to eat?" tanong nya bago tumayo at tinapunan muna saglit si Kurt ng tingin bago dumiretso sa kusina. Takang tinignan ko naman si Kurt na hanggang ngayon ay parang wala sa sarili.
Wala sa sarili kong sinundan si Scarlet sa kusina, nadatnan ko sya dun na naghahalo ng juice pero nakatulala pa rin.
'Ano bang nangyari?'
Nakarinig ako ng ingay sa sala pero hindi ko na iyon pinansin pa, lumapit ako kay Scarlet at hinawakan sya sa braso na syang ikinagulat nito.
"Hey, are you okay?" nag aalalang tanong ko, biglang nangilid ang luha nya at mahigpit na humawak sa kamay ko
"S-savi...we saw t-them" nangunot ang noo ko sa sinabi nya
"Ano?" naguguluhan kong tanong, inilapit pa nya ko sa kanya at luminga linga sa paligid na akala mo ay may nakakakita pa sa'min
"N-nakit namin sila!" mas lalo akong naguluhan
"Sinong sila?!"
"Natatakot ako" umiiyak nyang sabi, naguguluhan pa rin ako pero hinatak ko na sya papuntang sala. Nakita nila kami at agad na nagtaka lalo na sa itsurq ngayon ni Scarlet.
"What happened to you?" agad na tanong ng mga babae, ako naman ay tumingin kay Kurt na ngayon ay na kay Scarlet ang pangingin, puno ng pag aalala ang mukha nito.
"Scarlet!" inis na sigaw ko, napatingin naman sya agad sakin at ang iba naming kasama dito
"Iyak ka ng iyak dyan! Makakatulong ba yan sayo?! Sino yung tinutukoy mong 'sila'!" inis pa rin na sabi ko, pero hindi sya sumagot at nagpatuloy pa rin sa pag iyak, napapikit ako sa inis
"Savi? What are you talking about?" takang tanong ni Alexandra, huminga ako ng malalim bago sumagot
"Sinundan ko sya sa kusina at naabutan ko na para syang tangang naghahalo ng juice! Kaya tinanong ko kung okay lang ba sya at ang sagot nya sakin 'we saw them' while crying! Kaya tinanong ko sya kung sinong 'sila' but she's not answering me! Iyak lang sya ng iyak" mas naiinis ako sa pagkukwento, natahimik kaming lahat sa pinakiramdaman ang isa't isa. Si Scarlet ay umiiyak pa rin at tahimik na pinapatahan ng mga babae. Napatingin ako kay Kurt na ngayon ay diretso na rin nakatingin sakin.
"We saw them" nasa tono nya ang takot
"Yeah, kanina ko pa alam at ang tinatanong ko kung sinong mga yun!" inis na namang sabi ko
"S-sila Professor Charles" napatingin ako kay Scarlet ng magsalita ito, tumahan na sya pero humikhikbi pa rin
"And?"
"Si Professor Tiffany and the Guard! At may bitbit na syang malaking bag! Kagaya ng nakita mo ng nung gabing nakita mo si Professor Charles sa labas ng faculty room!" nangunot ang noo ko sa sinabi nya
"Si Professor Tiffany yung babae?" tanong ko
"I don't know kung sya yung nakita mo noon, pero yung ngayon silang dalawa ang magkasama" napatango ako sa sagot ni Kurt
"T-tapos...yung bag...jusko yung bag!" naghysterical si Scarlet at umiyak na naman
"Anong meron sa bag?" kinakabahan na tanong ko
"Hindi siguro nasara ng maayos yung bag kaya...kaya may lumitaw na parte ng t-tao" si Kutt ang sumagot. Nagulat ako sa sagot nya kaya napatakip ako ng bibig, ramdam ko rin ang pagkagulat ng mga kasama ko lalong lalo na ang iyak ni Scarlet
'Wtf?!'
"And you know what?" nakangiting sabi ni Kurt sakin pero may halong takot pa rin
"What?"
"They saw us too" agad na tumulo ang luha sa mga mata nya. Hindi ako nakasagot. Kurt is fvcking crying!
"H-h-hindi namin inaasahan na bigla silang titingin sa direksyon n-namin...kaya hindi na kami nakapagtago...a-ang sasama ng tingin ng mga Prof natin guys!" nakaramdam ako ng awa kay Scarlet dahil kita sa itsura nya ang takot at pangangamba.
"Anong parte ng tao ang nakita nyo?" napatingin ako lay Clavin ng magtanong ito
"K-kamay na p-puro dugo!" si Kurt ang sumagot, hindi ko na nakayanan pang pakinggang ang pag uusapan kaya nagmadali akong nagtungo sa pinto para lumabas muna at magpahangin.
'What the fvck!'
'Narinig nya ba kami?!'
Ewan ko pero bigla akong kinilabutan matapos kong buksan ang pinto at bumungad sa harapan ko ang bulto ni Professor Charles, nakangiti ito sakin pero hindi ko magantihan ng ngiti dahil sa nalaman ko kanina. Ramdam ko rin ang pagkagulat ng mga kasamahan ko, maging ang pag iyak ni Scarlet ay hindi na narinig.
'What the fvck is he doing here?'
"Kanina pa po kayo dyan, Prof?" tanong ko, ngumiti ulit ito sakin bago tumingin kila Scarlet
"Hindi naman, sakto lang" sagot nya
"What are you doing here?" si Calvin ang nagtanong nun, hindi ako makagalaw para tignan sya, parang napako ang mga paa ko sa pwestong aking kinatatayuan.
"I'm here to get Ms. Villamora and Mr. Buenavista for the counseling" nakangiting sagot nito, doon lang ako nakagalaw para tignan si Scarlet at Kurt na ngayon ay mas gulat dahil sa nalaman ng pagpunta dito ni Prof Charles. Tumingin ako sa orasan
"But it's almost 6:30pm Prof, masyado ng late for the counseling" sabi ko sa kanya
"20 minutes lang naman, tig-10 minutes sila" nakangiti pa rin sabi nya, sasagot na sana ako ng magsalita muli si Calvin
"They're not in good condition, Prof" napatingin sa kanya si Prof Charles
"Is that so? May I know why?" walang sumagot sa kanya
"Oh? I think it's kinda private matters?" tanong nya muli, at wala na naman sumagot sa kanya
"Okay, some other time na lang Ms. Villamora and Mr. Buenavista" nakangiting sabi nya sa dalawa
"Thank you, Prof" ako na ang sumagot pero hindi sya tumingin sakin.
"Have a good night" nahihimigan ang pagiging sarkastiko sa tono ng boses nito, nagulat pa ko ng ngumiti sya ng makahulugan kila Scarlet! bago tuluyang tumalikod at maglakad papaalis.
"Oh my god! I can't believe this!" umiiyak na naman na sabi ni Scarlet
"Malakas ang pakiramdam ko na hindi talaga counseling ang sadya nya sa inyo" mahinang sabi ko habang diretsong nakatingin kay Scarlet
"What do you mean, Savi?" tanong ni Cahlia
"Kung ako ang nasa sitwasyon ni Scarlet ay matatakot rin ako, isipin mo yun? Nakita kitang mag ginagawang kababalaghan at tinignan pa ko ng masama then all of a sudden pupunta dito for what? Counseling?...Nah! You gotta be kidding me" mahabang sagot ko sa kanya. Agad naman nila naintindihan yun ay mas lumakas ang iyak ni Scarlet, napabuntong hininga na lang ako.
"Patahanin nyo si Scarlet may pupuntahan lang ako" nakangiti kong sabi bago mabilis na tumalikod papaalis.
_________________________________________
Please don't forget to vote and leave comments! :)
missgeraldayn
❣
![](https://img.wattpad.com/cover/239644969-288-k436487.jpg)
YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Misterio / SuspensoSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...