Chapter 6

5 1 0
                                    

Hindi ko na natanong si Scarlet kung kilala ba ako nung Calvin na yun dahil pumasok na ang Prof namin.

"Goodmorning everyone, I'm Professor Charles para sa mga bagong pasok lang dito sa LU" agad na sabi nito habang nakatingin sakin, makikita mo ang pagiging istrikto sa mukha nito at halatang takot ang iba kong classmate sa kanya.

Nagsimula ang klase at lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kanya.

"Do you get it?" tanong nya pagkatapos isolve ang isang problem

"Yes, Prof!" sagot namin lahat


"Okay, so nga-"



"Aaaaaaaaaaahhhh!"


"Jereeeeemy!"



"Oh my god! Is he still alive?!"

Nagulo ang tahimik naming pagkaklase dahil sa sigawan ng ibang estudyante sa labas.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila, walang sumagot sakin bagkus lahat sila ay seryosong nakatingin sa labas kaya napatingin din ako ngunit agad din napatakip ng mata dahil sa nasaksihan ko!

'A guy....with a blood all over his face!'

Napapikit ako ng biglang rumihistro sa isip ko ang mukha ni Sabrina na duguan pa. Napadilat ako ng mata ng biglang may magtakip ng tenga ko.

"Don't listen to them" seryosong sabi ni Calvin habang diretsong nakatingin sakin, nakaramdam naman ako ng ilang kaya agsd kong tinanggal ang kamay nya sa tenga ko


"A-ako na, salamat" naiilang na sabi ko, tumango lang sya at bumalik na sa kanyang upuan. Tinignan ko naman ang mga kaibigan nya ngunit lahat sila ay seryoso pa din ang mga mukha. Si Professor Charles naman ay lumabas na din para tignan ang nangyari.

"Ito na naman" mahinang sabi ni Scarlet bago bumuntong hininga


"Ha?" naguguluhan kong tanong, ngumiti sya ng malungkot sakin


"Mamaya na natin pag usapan yan sa dorm" sabi nya matapos akong tapikin sa balikat. Tinignan ko naman ang mga kaibigan nya at bahagya pa kong nagulat ng makitang lahat sila ay nakatingin sakin pwera na lang kay Calvin. Lahat sila ay malungkot na ngumit sakin.

'Bakit ganyan kayo ngumiti sakin?'

Hindi na natapos ang klase namin dahil sa nangyari at ang sabi ng nakararami ay suicide daw iyon. Karamihan sa mga kaklase ko ay lumabas para tignan ang nangyayari sa labas habang kaming sampu naman ay nanatili lang sa sari-sariling upuan at tahimik na nakikinig sa mga usapan ng ibang estudyanteng dumadaan.


"Did you see his face?! Oh my god ang creepy!" sabi ng isang estudyante sa kasama nya


"Yes! I saw him, grabe no? I didn't expect him to do that thing eh" maarteng sagot naman sa kanya nung isa

Nakikinig pa kami ng ibang usapan ng biglang pumasok si Professor Charles.

"Okay everyone, sorry for the inconvenience a while ago, for now you can go home na because pinatigil na ni Dean Clifford ang lahat ng klase because of the incident. See you tomorrow, class dismiss" sabi nya bago mabilis na lumabas ng kwarto namin. Wala na kaming nagawa kundi sumunod at bumalik sa dorm namin. Sabay sabay kaming lumabas ng room at sa hindi malaman na dahilan ay nagtinginan sila samin.

"Grabe ang gwapo talaga ni Clavin no?"



"Yes! And aslo kurt! Look at him, he's so gwapo and I hope na he will court me soon!"



I.T.A.L.YWhere stories live. Discover now