Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil hindi ko kinakaya ang mga nangyayari at ang mga nalalaman ko, sila naman ay nasa sala pa rin at nag uusap ng kung ano ano. Nakatayo lang ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Lenient University, unang kita ko pa lang sa eskwelahan na ito ay alam kong may kakaiba na agad. Oo at unang beses ko pa lang nararanasang makapag aral sa totoong eskwelahan pero iba talaga ang kutob ko dito, naging malala lang iyon dahil sa nalaman ko kanina.
Alas sais na kaya medyo madilim na sa labas at wala na rin akong nakikitang mga estudyanteng naglalakad lakad, dahil na rin siguro sa nangyari kanina. Tumayo pa ako dun hanggang sa lumipas ang 30 minutes ng may mapansin akong kakaiba.
"Si Professor Charles ba yun?" mahinang sabi ko habang pinasisingkit ang sariling mata. Halata sa itsura nito ang pagmamadali at pana'y ang tingin sa likod na akala mo'y may sumusunod sa kanya. May pinasulan syang pinto na sa pagkakaalam ko ay ang Faculty room ng mga guro, aalis na sana ako ng mapansing bumukas ang pinto ng Faculty room at lumabas muli si Professor Charles habang may kausap sa kanyang cellphone, maya maya ay ibinaba nya ito at may sinalubong na babae? Babae nga ba yun? Kung katawan ang pagbabasehan ay babae nga yun.
May pinag usapan pa sila bago mabilis na pumasok si Professor Charles sa loob ng Faculty room habang yung babae naman ay parang may tinatawag, maya maya ay may lumitaw na isang lalaki na may bitbit na isang malaking malaking bag.
'Yung guard 'to ah?'
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya, para syang bigat na bigat sa dala nya kaya hindi nya ito hinahatak bagkus ay hinihila nya lang ito. Nag usap pa sila saglit bago pumasok yung guard sa loob ng Faculty Room. Tumingin tingin muna yung babae sa kaliwa't kanan nya, parang naninigurado na walang nakakakita sa kanila. Nang walang ano ano'y bigla syang tumingin sa gawi ko kaya ganun na lang ang gulat ko at basta na lang umupo.
At sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan! Napahawak ako sa sariling dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Ang kamay ko din ay sobra ang panginginig! Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko!
'Nakita nya ba ako?'
'Eh ano naman kung makita nya ko?'
'Sino ba yung babae na yun?'
Unti unti akong umayos at dahan dahan na sinilip muli ang kinaroroonan ng babae. Nanlaki na naman ang mata ko ng makitang nandun pa rin sya at nakatingin sa gawi ko! Mas lalo akong nanlamig at kinabahan! Ilang minuto pa akong nakaupo sa sahig bago ko muling sinilip ang bintana at ng makitang wala na sya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kaba sa dibdib ko. Inayos ko muna ang sarili bago ko naisipang lumabas ng kwarto, hindi ko sila pinansin at mabilis na pumunta ng kusina para uminom ng tubig.
Pero lintek lang talaga dahil sa pagkuha ko pa rin ng tubig ay nandun pa rin ang nginig ng kamay ko!
"Fvck!" mahinang pagmumura ko ng may kaunting natapon na tubig dahil sa panginginig ng kamay ko
"Savannah? Are you okay?" tanong ni Cahlia sakin at doon ko lang napansin na lahat sila ay nakatingin sakin
"O-o-oo, ayos l-lang ako" pilit ang ngiting sabi ko
"Kanina ka pa kasi namin tinatawag pero you ignored us" sabi naman ni Alexandra
"S-sorry, may iniisip lang kasi ako" sagot ko na hindi makatingin ng maayos sa kanila
"You look uneasy" napatingin ako sa nagsalita, si Calvin! Hindi ako sumagot
"Tell us, what happened?" seryosong tanong nya, nilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat at nakitang nag aalala sila sakin
"Sit beside me" utos pag muli ni Calvin, wala sa sarili akong sumunod
"Tell us" dagdag pa nya pagkatapos kong umupo. Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa-isa
"I-I was just standing in front of the window, pinagmamasdan ko lang yung kabuuan ng LU then after minutes I saw Professor Charles....halata sa mukha nya ang pagmamadali at hindi sya mapakali dahil panay ang tingin nya sa likod....then pumasok sa loob ng Faculty Room and minutes later I saw him again sa labas ng Faculty Room na may kausap sa phone nya and nakita ko ang isang babae na paparating....para silang nag aaway nun...tapos biglang pumasok si Professor Charles sa loob ng Faculty room....yung babae naman naiwan sa labas tapos maya maya biglang sumulpot yung guard-" Naputol ang pagsasalita ko ng magtanong si Aurora
"Guard ng LU?" tumango ako bilang sagot at nagpatuloy sa pag kukwento
"Yun nga....nakita ko yung guard na may dalang bag....hindi sya basta bag lang dahil malaki talaga sya tapos parang hirap na hirap syang hatakin yun-"
"Hindi nya bitbit bitbit?" umiling ako sa tanong ni Kurt
"Hatak hatak nga diba?!" pamimilosopo sa kanya ni Scarlet
"Aba pi-"
"Silence!" inis na suway sa kanila ni Calvin bago tumingin sakin
"Continue" Utos nya
"After nun, pinapasok nung babae yung guard sa loob ng Faculty Room...habang sya naman ay naiwan lang sa labas....kaliwa't kanan syang tumitingin sa daan...parang naninigurado syang walang nakakakita sa kanila..tapos...tapos...tapos bigla syang tumingin sa side ko" napansin ko naman agad ang panlalaki ng mga mata nila
"Omg!"
"Why?! How?!"
"Ang creepy!"
"Are you safe?!"
"Did she saw you?" napatingin ako kay Calvin ng itanong nya iyon
"H-hindi ko a-alam kasi mabilis akong umupo eh p-p-pero nung tumingin ako ulit nandun pa rin sya at nakatingin pa rin sa ga-"
"She saw you" putol nya sa sasabihin ko
"W-w-what?" nauutal kong sabi
"Do you know who is she?" tanong nyang muli
"No, naka black sya kaya hindi masyadong maaninag ang mukha nya tanging si Professor lang ang nakita ko dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan pero sya ay hindi ko man lang mamukhaan, tanging katawan lang nya ang makapagpapatunay na babae sya" mahabang sagot ko
_________________________________________
Please don't forget to vote and leave comments! :)missgeraldayn
❣
![](https://img.wattpad.com/cover/239644969-288-k436487.jpg)
YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Mystery / ThrillerSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...