"Look girls! Bago ba sya dito?"
"Siguro?"
"Mukha nga, ngayon ko lang sya nakita dito eh"
"May kamukha sya no?"
"Truuuue! Kanina ko pa din yan napapansin!"
"Wag na natin isipin yun, but look at her watch! It's Gucci right?! She's rich!"
"Pero hindi nyo ba pansin?"
"Ang alin?"
"4 months na lang tapos na ang school year and tumanggap pa sila ng transferee?"
"Oo nga no?"
Inis akong nagmadali sa paglalakad dahil sa mga naririnig ko, kahit ako mismo ay nagtataka kung bakit tinanggap pa nila ako kung gayong halos apat buwan na lang ay tapos na ang klase. Muli kong tinignan ang papel na hawak ko kung saan nakalagay ang aking schedule at kung anong room ako nabibilang.
'Room 431'
Basa ko sa card na nakadikit sa mismong pinto, huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Agad naman yun nagbukas at isang nakangiting babae ang bumungad sakin
"Hi goodmorning miss, I'm S-"
"Savannah Montereal" napatitig ako sa kanya ng banggitin nya ang buong pangalan ko
"Come in" sabi nya pagkatapos buksan ng malaki ang pintuan, mabilis naman akong pumasok at lumapit sa kanya
"You can sit wherever you want, hija" nakangiting sabi nya sakin, napatingin naman ako sa aking harapan
"Here! Sav!" napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko si Scarlet na kumakaway sakin
'We're classmate'
"She's Savannah Montereal, she's never been in a real school before; home school" sabi ng Prof sa harapan na sa pagkakaalam ko ay tiffany ang pangalan. Naglakad na ko papunta sa pwesto ni Scarlet na ngayon ay ngiting ngiti, tinignan ko lang sya at tinanguan. Nang makaupo ako ay nagsalita na muli si Professor Tiffany. First name basis sila dito. Weird.
"So back to our lesson, bakit nga ba kailangan sa ilalim ng baso tayo humawak?" Tanong nya
I'm an HRM student at kahit ilang buwan na lang ay tapos na ang klase nila ay ramdam ko naman na mahahabol ko kung ano man amg meron sila
"Anyone?" nakangiting tanong nya
"Para hindi makapag iwan ng fingerprint" sagot ko habang nakatingin ng diretso sa kanya
"As expected, you're a Montereal" nahihimikan ang pagiging sarcastic ng pagsasalita nito
"What do you mean?" tanong ko
"Nothing, so bakit nga ba hindi pwedeng mag iwan ng fingerprint sa baso o kahit saan Miss Montereal?" nakangiting sabi nya, tumayo ako bago sumagot
"Because if ever na mabasag ni guest ang baso or kahit ano at naaugatan sya, may posibilidad na makita ang fingerprint ng nagbigay sa kanya nun at sya ang sisihin sa nangyari" sagot ko
"Very good! You may sit" umupo na agad ako at nakinig na lang sa lesson nya.
"So tomorrow bring your own table napkin, color RED, class dismiss" sabi nya bago lumabas ng pinto.
YOU ARE READING
I.T.A.L.Y
Mystery / ThrillerSavannah, a mysterious girl to every students in Lenient University. Her whole life was only focusing in home school until that happen. After that incident, she decided to be independent. Not just for herself but also for the...vengeance. But.... Wh...