BUWAN
By: bibiliciousSa gabing madilim ikaw ang nagsilbing liwanag,
Iyong titigan at ikaw ay mapapa-ibig,
Sa gandang taglay nito iyong puso'y mapapantig,
Tingnan ka sa buong gabi, yan ang aking ibig.Ikaw nagpatunay na mayroong liwanag sa dilim,
Dilim na simbolo ng problemang kinikimkim,
Sa aking buhay na siyang nagpapadilim,
At nagpapahirap na parang takip silim.Ngunit malaki ang pasasalamat ko sa iyo,
Sapagkat sa gabing malungkot na ito,
Napamangha at napapagaan mo ang loob ko,
Tunay ngang kakaiba ang taglay na kagandahan mo.