HULING TULA

33 0 0
                                    

Huling Tula Para Sa Iyo
by: bibilicious

Daan na puno nang kadiliman nang ika'y muling nakita,
Liwanag ay muling nasilayan nang sulyapan iyong mga mata,
Napawi ang lungkot at hinagpis nang muli kang makasama,
Nakalimutan ang problemang hindi na makayanan pa.

Ngunit sa isang banda puso't isipan ay nangamba,
Hanggang kailan nga ba kita muling makakasama?
Maaari bang hingilin na makasama ka pa ng matagal?
Sapagkat palayain kang tuluyan ay napakahirap.

Ikaw ang aking pahinga sa mundong nakakapagod
Nagsilbing sandalan sa tuwing ako'y matutumba,
Aking sinta maari bang sabihin mo sa akin,
Dapat na ba kitang palayain o dapat pa bang manatili?

Tiwala'y tuluyang nawala dahil sa mga pangyayari,
Takot at pangamba sa puso'y nabubuo palagi,
Kaya't hindi malaman kung susugal bang muli,
Ngunit dahil sa takot, ang palayain ka ang mas pinili.

Patawarin mo ako kung ako'y nagsinungaling,
Nang sabihin kong hindi na kita iniibig pa,
Sapagkat hindi kayang sambitin ang salitang 'mahal kita',
Dahil sa takot na hindi tayo parehas ng nararamdaman.

Wala mang kasiguraduhan kung totoo ang pagmamahal na ito,
Ngunit nasisiguro kong minahal kitang tunay,
Sapagkat kahit pa anong sakit ang iyong idinulot,
Aking pagmamahal ay patuloy pa ring nanatili.

Isasarado ko na ang mga pahina ng aklat nating dalawa,
Na tayong dalawa ang simula ngunit hindi ang wakas,
Sapagkat panahon na upang tanggapin ang nakatadhana,
At katotohanan na hanggang doon na lamang lahat.

May bagong aklat na darating sa ating buhay,
Ngunit sa aklat na iyon ay hindi na tayo magkasama,
Nawa'y tayo'y maging maligayang buksan ang aklat,
At magkaroon ng magandang wakas nang hindi magkasama.



















(03.31.21)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aking Munting TulaWhere stories live. Discover now