HULING PAALAM
by: bibiliciousAking sinisinta ako'y lilisan na sa iyong tabi,
Kasabay ng may mapait na ngiti sa labi,
Kahit hindi ito ang gustong mangyari,
Kailangan sapagkat ito'y makabubuti.Iyong mga ala ala ay hindi malilimutan,
Dadalhin ko ito kasabay ng paglisan,
Mula sa iyo na aking kasintahan,
Na aking inibig at aking pinangakuan.Ating pag iibigan ay sadyang wagas,
Ngunit hindi akalaing dito magwawakas,
At sa huli ay ako'y maghihinagpis,
Sapagkat sa ating dalawa ikaw ang umalis.Napakaraming ala ala na ang ating nabuo,
Maraming mga salita ang ipinangako,
Ngunit sa huli ay tuluyan nang napako,
Dahil sa ating laban ikaw ay sumuko.Huwag kang mag-alala aking sinisinta,
Narito ako hindi para sayo'y magmakaawa,
Kundi para sabihing ikaw ay malaya na,
Hindi nako manggugulo pa makakaasa ka.Ito na ang una't huli kong paalam,
Salamat sa iyong mga ipinaramdam,
Hinding hindi ko ito makakalimutan,
At dadalhin ito magpakailanman.