PAGTINGIN

80 1 0
                                    

Pagtingin
by: bibilicious

Napaka among mukha na lagi kong tinititigan,
Laging napapangiti tuwing ikaw ay titingnan,
Ngunit ako'y nalungkot nang aking alalahanin,
Na ang isang katulad mo'y malabong maging akin.

Ang iyong mga mata'y kay gandang pagmasdan,
Bakit hindi mapansing labis kang hinahangaan?,
Malinaw naman at maririkit ang mga iyan,
Ngunit bakit hindi mo makita ang aking kahalagahan?.

Aking naalala hindi nga pala ako,
Yung babaeng tipo at babaeng gusto mo,
Isa lamang ba akong hangin sa iyo?,
Kaya't hindi mo makita kahit nandito lamang ako?

Hayaan mo sanang gustuhin kita ginoo,
Sapagkat mahirap pigilan ang aking puso,
Dahil kahit isang ngiti lamang galing sayo,
Labis na kaligayahan sa akin ang dulot nito.

Alam ko naman noong una siya na ang iyong nais,
Isa lamang akong hangal na sa iyo'y nagtitiis,
Kaya't sa aking sarili ako'y naiinis,
Sapagkat hinayaang puso'y gustuhin ka ng labis.

Isinulat ko ito hindi para mapansin mo,
Kundi para mailabas ko ang nararamdaman ko,
Tanggap ko naman na kahit anong gawin ko,
Hindi magiging ako ang babaeng pinapangarap mo.

Aking Munting TulaWhere stories live. Discover now