BITUIN

287 2 0
                                    

BITUIN
by: bibilicous

Kay gandang bituin mula sa langit,
Na kapag iyong natanaw ikaw ay maakit,
Sapagkat nakakamangha ang taglay nitong rikit,
At hindi mo mapipigilan na mapaawit.

Kung ika'y nalulungko't nagdurusa,
Subukan mo lamang idilat ang iyong mga mata,
At sa langit ika'y tumingala,
Pagdurusa't lungkot mo ay mawawala.

Sa gabi siya'y liwanag na nangnining,
Kasabay ng gabing may malamig na hangin,
Tuluyang maantig ang iyong damdamin,
Kung bawat hampas ng hangin ay iyong dadamhin.

Para ka ring butuin sa langit binibini,
Sapagkat hindi ko mapigilang mapangiti,
Sa taglay mong kagandahang hindi maitatanggi,
Lalo na kapag nakikita ang ngiti sa iyong labi.

Binibini huwag na huwag mong kalilimutan,
Katulad ng nangniningning na butuin,
Ikaw ay may sariling taglay na kagandahan,
Na ibinigay na sa iyo ng ating panginoon.

Kaya't sana'y iyong sarili ay ingatan,
At sana'y iyo itong pahalagahan,
Katulad ng pagtingin mo sa bituin sa kalangitan,
Sana'y iyong sarili'y ganoon din tingnan.

Aking Munting TulaWhere stories live. Discover now