>>> Ako si Yumieerah Waje, 16 years old and isang wattpader. Mahilig akong magbasa kahit anong oras, walang pinipiling lugar basta tahimik, hilig kong makinig ng musika habang nagbabasa ng storya. Masasabing gurang na ako dahil naabutan ko ang ebook at old version ng wattpad app, gusto kong bumalik ang dating app na 'yon. Yung walang ads, walang bayad, at hindi kailangan ng teknolohiya. Mas okay na kung silent reader basta wag yung toxic reader, kung makapang bash ng author akala mo may inabag sa buhay ng author yun.
Habang ako ay nagbabasa ng libro ng 'ang mutya ng section E' ni ate eatmore2behappy ay may nakabunggo sa akin pero hindi ko s'ya kilala, hindi ko alam kung transfer ba s'ya o bumisita lang sa aming paaralan pero nakasisiguro ako'ng bumilis ang tibok ng puso ko. Iba ang dating n'ya, kumbaga sa mga nababasa ko ay may pagkakatulad sya kay Maxrill Won Del Valle na isang fictional character na ginawa ni ate maxinejiji.
Simula ng nakabanggaan ko s'ya ay hindi ko na nasilayan muli ang kaniyang mukha, maamong pagmumukha na di ko aakalaing hahanap-hanapin ko pala. Marahil bisita lamang s'ya rito at nagkalat lang ako kaya kami pinagtagpo.
Lumipas ang mga araw at nakita ko muli s'ya, gaya ng dati kong naramdaman bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto ng lumabas sa tuwa. Lumapit s'ya sa akin at ganoon rin ang ginawa ko, hinawi nya ang buhok ko at binitbit ang mga gamit ko. Sandali ako'ng nagtaka sa mga kinikilos n'ya may mga estudyanteng nagtitilian pero wala lang sa kaniya iyon. Sinundan ko s'ya, papunta s'ya sa may garden ng aming paaralan. Handa na dapat ako'ng magsalita kaso naunahan n'ya ako.
"Ikaw yung nabangga ko diba?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko mula sa tanong na isiniwalat n'ya, ayaw bumuka o kumilos ng aking bibig para sumagot sadyang naestatwa ako sa katanungan n'ya. Naalala n'ya pa pala iyon? Ako, sa tuwing naalala ko iyon yung puso ko ay nagwawala. S'ya rin kaya?
"Pasensya ka na ah? Nagmamadali lang ako sa mga oras na iyon, pinatawag ako ng dean nyo, may sinuway kasi ako'ng rules nyo" bahagya s'yang tumawa, tawa na nakakapagpawala ng nananahimik ko'ng puso "Pasensya na talaga" ngumiti sya ng sobrang tamis "Ah, ano palang pangalan mo?"
Tila nawala ako sa aking sarili dahil sa tinig ng kaniyang pagtawa at pagtatanong ng aking pangalan, nakakahiya ma'ng sumagot pero ayoko'ng manlumo s'ya na parang hangin ang kausap n'ya.
"A-ako s-s-si, A-ko si yumieerah" sagot ko sabay yuko ng aking ulo, nakikita ko na ngayon ang mga buhangin na tila masayang tinatanggay ng hangin papunta sa ibang direksyon.
Ayoko'ng ipantay ang mukha ko sa paamo n'yang mukha, hindi ako ganon ka-ganda.
"ang ganda naman ng iyong ngalan, yumieerah"
Tug**tug***tug***tugudugggg**
Ang ganda naman ng iyong ngalan, yumieerah
Ang sarap pakinggan lalo na't galing sa kaniya. Gusto ko'ng itanong sa kaniya ang kan'yang ngalan ngunit pinangungunahan ako ng kaba. Baka mapahiya ako kapag ako ang natanong, naalala ko ang mga gamit ko na bitbit n'ya pa rin. Agad namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"a-ah, a-akin na y-yung mga g-g-gamit ko" utal-utal ko'ng sabi sa kaniya na sanhi na naman ng kaniya'ng pagtawa. Gustong-gusto ko ang mga ngiti nya, gusto ko'ng agawin ang mga ngiti nya, gusto ko'ng maging akin iyan.
Binigay nya ang mga gamit ko at parang nawalan ako ng enerhiya ng magdikit ang aming mga balat, dumaplis ang kamay n'ya sa kamay ko. Paano ako kakalma? Tumagal iyon ng sampung segundo, at hindi pa s'ya umangal.
Ngumiti s'ya ng malapad nang mabigay n'ya lahat ng gamit ko.
"Ah, yumieerah. Ang bigat ng gamit mo, hindi ka ba nabibigatan? Ang aking mga kapatid ay hindi ko kailanman pinagbubuhat ng mabibigat dahil babae sila dapat ikaw din"
BINABASA MO ANG
Yumieerah de' wattpaderist
FanfictionSi yumieerah ay isang wattpader, hilig nyang magbasa ng mga kina-re-relate-an nya tulad ng love story, comedy and fantasy. Gustong-gusto n'yang maging isang author ngunit hindi umaayon ang kaniyang kaisipan kaya naman hanggang prologue lang sya. Tah...