Kinabukasan nauna akong pumasok kesa kay ate cessna, madami raw kaming ginagawa kahapon at kailangan kong habulin ang mga pagsusulit na hindi ko nakuha. Naglakad nalang ako papuntang paaralan para maging ehersisyo na din, habang naglalakad ako may nakasalubong ako'ng bata na nakahiga sa tapat ng isang salon.
Lumapit ako sa kaniya "Bata?" sabi ko at agad naman siyang tumayo mula sa pagkakahiga.
"bakit po?" medyo garalgal ang boses niya, parang umiyak s'ya.
"Bakit jaan ka natutulog?" pinilit kong ngumiti kahit naaawa ako "asan ang mga magulang mo?" bigla nalang siyang umiyak ng tuluyan.
"Naiwan ho kasi ako ni kuya ko dito, di ko ho alam kung saan sila nagpunta whaa!!" naku naku.. Lalo pa siyang umiyak.
"Ahueahueahueahue" ha? Ano ang aking nasabi?
Tumigil sa pag-iyak ang bata at nagsimulang tumawa, buti naman.
"teka anong pangalan mo?"
"vey po, veily wilz" parang pamilyar ang apelido n'ya.
Baka parehas lang.
"Wow, napakaganda naman ng iyong pangalan bagay sa mukha mo" hinawakan ko s'ya sa baba at tiningala sa akin.
"kayo rin ho ate, maganda" sa tingin ko, malabo..
"Tara sumama ka sa akin at dadalhin kita sa istasyon ng polisya para mahanap nila ang kuya mo"
Hinawakan ko ang kamay n'ya at winagayway-wagayway iyon para hindi s'ya matakot. Nagpakilala rin ako sa kan'ya, nakipag-kwentuhan kahit anong oras na. Nang makarating kami sa polisya ay nagtatakbo ang batang si vey.
"vey!" sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig, tumakbo s'ya sa loob at sinundan ko.
Nakita kong may nakayakap kay vey, lalaki sya at parang namumukhaan ko. Bago pa ako tuluyang makapasok ay pinakinggan muna ang pag-uusap nila.
"Kuya bakit mo kasi ako iniwan??"
Hindi mo maiitatanggi na malungkot si vey,
"pasensya ka na vey, akala ko kasi nasa likod at nakasunod ka sa akin kaya kampante ako."
Isang pamilyar na boses ang nagpawala ng puso ko, marco?
Nang makapasok ako "Kuya s'ya yung babaeng maganda na tumulong sa akin"
"ah ganoon ba? Halika at samahan mo ko sa kaniya" nakayuko pa rin siya at kay vey pa rin ang tingin.
Nang magtama ang paningin namin, otomatikong nagulat kami pareho.
"yumieerah?"
"marco?"
Halos sabay kaming nagsalita kaya naman naguluhan si vey, humarap ito sa kuya n'ya na si marco pala.
"Kuya? Kilala mo si ate erah?" napangiti naman si marco, ang ganda talaga niyang ngumiti.
Tumango siya "hindi lang kilala vey, kilalang-kilala" saka s'ya ngumiti muli habang ang mga mata niya'y nakatutol sa akin.
Huwag kang ganiyan, ginoong marco wilz.
Sandali pa kaming nagkwentuhang tatlo at nagdesisyon akong mamayang hapon nalang pumasok, napakasaya palang makasama sina marco at vey mamasyal? Di kasi ako lumalabas ng bahay tuwing sabado at linggo tamang basa lang sa bahay buo na ang araw ko.
Nagpunta kami sa park at kung saan-saan pa, basta hilingin ni vey sa kuya n'ya agad-agad pupuntahan o di kaya'y bibilihin ito para sa kaniya katulad na lamang ng ice cream na gusto niyang bilhin, binili din ako ni marco pero nung babayaran ko ito pinigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
Yumieerah de' wattpaderist
FanfictionSi yumieerah ay isang wattpader, hilig nyang magbasa ng mga kina-re-relate-an nya tulad ng love story, comedy and fantasy. Gustong-gusto n'yang maging isang author ngunit hindi umaayon ang kaniyang kaisipan kaya naman hanggang prologue lang sya. Tah...