Hayyy, nakakapagod ang araw na ito, dapat pala hindi na ako pumasok. Uuwi akong tambak sa gawain, mayroon akong kasama siya si Joshua. Sinabi ni ma'am kanina dahil daw lumiban ako sa klase kinakailangang magkaroon ako ng gabay. Ang aming guro mismo ang nagsabi kung sino ang dapat,
T'wing alas-tres ng hapon kami mag-aaral sa library. Hindi kami pwede sa room dahil maingay. Hahatid daw kasi ako ni joshua, anong oras na kasi kami natapos.
"Hey? Mabigat ba ang bag mo?" tanong niya pero iling lang nasagot ko "...ang tahimik mo pala talaga no? Akala ko kasi wala ka lang makausap kaya hindi ka kumikibo"
"Ah, hehe. T-tahimik lang ako s-sa una" tipid kong sagot. "ano nga pala ang aking kailangang gawin?"
"Psh, HAHA. Ede mag-aral" eh? Bakit nakuha n'ya pang magbiro habang ang andaming problema sa mundo ngayon?
Ewan ko ba sa lalaking ito, si teacher Fella kasi bakit s'ya yung binigay mo? Hindi naman sa nagsisisi ako pero bakit lalaki? Oo matalino si Joshua pero...
Wala na, okay na ko sa kaniya. Naglakad lakad pa kami hanggang sa may bumusina sa likod namin.
BruttttTttt***
"Aking yumieerah!" m-marco?
Dahan-dahan akong tumalikod, nakita ko ang maamong pagmumukha niya, yung puso ko.
"Tara sakay na, hinanap kita sa mga kaklase mo ang sabi nila'y umuwi ka na kaya naman heto, tara na" tila isang anghel sng dumating ng magsalita si marco.
"Ah hello bro!" ay maka'bro'ka naman joshua, si joshua yung nagsalita, oo.
"Ah HAHA, pasensya na pero maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"
"Ako si Joshua Felon, ikaw?"
"Ako naman si Marco Wilz"
"San ka nag-aaral?"
"Sa PNS ako, hahatid ko lang sana ang aking yumieerah"
Ginoong Marco ng buhay ko, huwag kang ganiyan.
"Teka, teka lang bakit ang tawag mo kay yumi?"
"Kasi sa akin s'ya"
Lamunin ako ng lupa ngayon na.
"Ang taas naman ng tiwala mo sa sarili mo, marco"
"Ah joshua, wala yan sa tiwala nadadaan yan sa kung paano mo itatrato ang iyong iniirog"
Pasalit-salit ako ng tingin sa dalawa "teka lamang mga ginoo sa aking harapan" nagsitinginan sila sa akin, naku, pano ito? Ah basta "a-eh, u-uwi na a-ako, b-baka pwedeng mauna na akong umuwi?"
"ihahatid kita" sabi ni marco
"ako rin" sabi ni joshua
Anong mga problema meron ang mga ito? Kanina'y nagsasagutan lamang sila ngayon gusto na nila akong ihatid dalawa.
"Ah, okay lang. May mga paa naman ako kaya kong lumakad o kaya tumakbo, hzhz. Sige una na ko" pagkatalikod ko ay biglang may humawak sa kamay ko.
Anong eksena sa wattpad ito?
"Hindi, hindi ka uuwi mag-isa, aking yumieerah"
"Hindi, anong aking yumieerah, aking yumieerah na 'yan, ako ang kaklase at ako ang nakitang huling kasama ni yumi kaya sa akin s'ya sasama"
Anong mga pinaglalaban ng mga ito? Dahil sa nainis ako, iniwan ko sila bahala sila sa buhay nila kahit magsisigaw sila wala akong paki. Nagpatuloy ako sa paglalakad na medyo tumatakbo na, masyado akong maliit para humakbang ng malalaki. Hay, ang hirap maging maliit, guys I need fvcking help.
BINABASA MO ANG
Yumieerah de' wattpaderist
FanfictionSi yumieerah ay isang wattpader, hilig nyang magbasa ng mga kina-re-relate-an nya tulad ng love story, comedy and fantasy. Gustong-gusto n'yang maging isang author ngunit hindi umaayon ang kaniyang kaisipan kaya naman hanggang prologue lang sya. Tah...