"Kumusta na yumieerah!"
Ayan na naman ang enerhiya sa katawan ko, napakapamilyar ng tinig nya. Dahan-dahan ko'ng inaangat ang tingin ko at laking gulat ko ng makita sya... Si bebelabs!
Biro lamang, s'ya ang nakabanggaan ko nung isang-isang-araw pa. Sa sobrang paghangga ko sa kaniya ay nakalimutan ko na ang mga gawain ko sa buhay, sasabihin n'ya na kaya ay kaniyang ngalan sa pagkakataon na ito?
"yumieerah?" isang tawag pa mula sa kaniya, parang nadudurog ang buo'ng pagkatao ko dahil sa mga salita'ng binibintawan n'ya. Paano kumalma? Kung puso mo ay s'yang pumipilit sa magwala?
"a-ah o-oo, a-ako y-'yon" nasabi ko nalang.
Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko dahil sa pagkataranta hindi ko na alam ang ginagawa ko.
"ano?" tumawa s'ya..
Yung puso ko gusto'ng lumabas..
"...yung puso mo.." ano daw? ano ang kaniyang sinasabi? "...at yung puso ko..." namumula ang mukha ko sa pagkakataon na ito, bakit s'ya gumaganito? Tila mas wala pa s'ya sa katinuan kaysa sa akin. "ay pareho'ng..." pabitin naman s'ya, hindi nalang isawalat ang gusto niya'ng iparating "...may dugo" hmm, HA? ANO DAW ANG KANIYANG, ANO DAW ANG AMING PUSO?
Tumawa s'ya ng sobrang lakas, na akala mo'y wala ng bukas. Akala ko talaga ay mayroon ng ibig-sabihin sa kaniya ang mga puso namin. Akala ko ang sasabihin niya ay 'yung puso mo at ang puso ko ay iisa kaya tayo'ng dalawa ay pinagtagpo ng tadhana' pero hindi pala, pareho'ng may dugo pala ang sabi niya.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo, yumieerah? May nasabi ba ako'ng hindi mo nagustuhan? Patawarin mo ako, aking yumieerah" isa ka'ng madaming nalalaman, itumba kaya kita?
Hindi sana ako sasagot kaso masyado siya'ng madaming alam at napakamadamdamin n'ya "T-tahimik lang ako, h'wag ka'ng mag-alala wala ka'ng ginawa na ikasasama ng aking kalooban" sabi ko at ngumiti sa kaniya, hindi ko alam kung gaano kasama ang itsura ko kapag nakangiti.
"Ah nakakamangha! Nginitian mo ko, Ang saya ko!" hindi ko alam na may makakapansin ng aking mga ngiti "...ang ganda-ganda mo kapag nakangiti ka" alam ko na hindi dapat ako kinikilig sa tuwing may nagsasabi ng mga nabasa ko sa wattpad kaso, pag sa kan'ya nanggaling iba ang dating.
Masyado ng hapon at hindi pa rin kami umuuwi, inaya n'ya ako kumain at libre n'ya daw hindi ko alam bakit ginagawa n'ya ito. Ang tanging sinasabi n'ya ay 'para makabawi ako sayo' ano nga ba ang atraso niya sa akin? Sa pagkakaalam ko ako yung nakabangga at hindi s'ya.
Pasado ala-siete na ng gabi ng hinatid n'ya ako sa may kanto namin, huminto kami sa isang tindahan ni manong julio at binilhan n'ya pa ako ng makakain pag-uwi ko daw sa aming bahay.
"Eto, hindi naman ganoon kadami pero sana magustuhan mo" nakangiti s'ya habang nilalagay ang mga binili niya sa aking bag. Humarap s'ya sa akin at hinawakan ang aking kamay "nae yumieerah josimhae" kusang napanganga ang bibig ko, ano daw?
(trans: mag-iingat ka aking yumieerah)"jeoneun Marco, Marco Wilzibnida"
(trans: ako nga pala si marco, Marco Wilz)May halo pala s'ya ng korean, nakakatuwa, dati nababasa ko lang yung may kaharap ka'ng koreano ngayon nasa harap ko na. Marco Wilz? Napakagwapong pangalan. Nakakahangga, nakakabighani.
Nang makauwi ako sa aming bahay, "Oh aba, mayroon na ata'ng boyfriend ito'ng kapatid ko ah?" tanong ni ate cessna habang nanunukso.
"Ate, wala ako'ng nakikitang kasamaan sa ginawa ni marco. Hinatid n'ya ako sa may kanto natin at binilhan ng makakain. Anong mali roon?" sagot ko sa kanya pero iba pa rin ang takbo ng imahinasyon n'ya.
BINABASA MO ANG
Yumieerah de' wattpaderist
FanficSi yumieerah ay isang wattpader, hilig nyang magbasa ng mga kina-re-relate-an nya tulad ng love story, comedy and fantasy. Gustong-gusto n'yang maging isang author ngunit hindi umaayon ang kaniyang kaisipan kaya naman hanggang prologue lang sya. Tah...