Ikawalo

8 1 0
                                    

"yumi?? Yumieerah??!" ang ingay naman, sino iyon? "hoy yumi!! Gising ka na ba?? Sino ba may sabing humiga ka sa sahig ha??" anong humiga? Teka sino ba ito??!

Nilibot ko ang mga mata ko, napasingkit. Si----joshua?? Na-nakita ko si marco kanina? Oo kitang-kita ko siya. Nasaan siya?? Nakasimangot pa siya, ano bang ginawa ko? Tumayo ako at pinagpagan ang damit, nasa clinic pala ako.

"B-bakit ako narito?" nakakapagtaka talaga. Ano bang nangyari?

"magtatanong ka kung ANONG nangyari sayo??! Ha?!" oh, ba't galit?? Tatanong lang naman "Wag mo kong tignan ng ganyan! Galit pa rin ako sayo!" hindi ka talaga titino kay Joshua, lintek. Biro lamang...

"H-hindi i-itatanong ko lang sana kung ano yung nangyari sa akin? Kung bakit ako narito sa klinika?" mukhang nakukulitan siya sa akin, hindi naman pwedeng nag-itim yung paligid ko tas pagdilat ko nasa klinika na ako hindi ba? Hindi ko naman kaya iyon, hehe.

"hinde, galit ako" lah, wala namang susuyo sa kaniya, galit-galitan pa.

"sige naaa joshuaa!" namimilit na akoo, hehe.

"Still no" ayan na nag-english na. Ending na. Magkaroon na uli ng Dinosaurs. Biro lamang.

"josh...." mahaba yann kunwari bumubulong. "huaaaaaa!! Sigeee naaaa" sumimangot siya. "ede sige wag na, alis na ako" natayo na sana ako ng bigla n'yang hilahin at hawakan ang kamay ko.

"Hayyy,, yumi!! Eto na!" yun sa wakas. Pero nainis talaga ako nung una, pakipot pa.  "Napadaan ako sa canteen non, at may nakita akong nagkakagulo don sa likod ng stage..." ah tama tama, nasa likod ako non kasi narinig at nakita ko si marco "...nakita kong may tumatakbong student ata yun or dayo sa school natin. Tas nung una hinayaan ko yung nagkakagulo dahil bumili muna ako ng pagkain, alangan namang unahin ko pa yung chismis kesa sa gutom ko diba?" ay ang sama. "Kumain muna ako saglit sa loob at medyo napilitan pang tignan ang kaguluhan"

"ang...s-sama mo sa akin" :( ang tanga ko kasi e.

"Syempre... Galit ako remember?"

"oo sige na, galit na kung galit." ngumiti ako ng pilit "una na ako, pasok na ako"

"yumi.. San ka pupunta??" tas ngayon tatanong-tanong siya.

"papasok na"

"san ka papasok?"

Siya ata nawalan ng malay e, hindi ako.

"sa ating silid aralan" onting pasensya pa.

"yumi!!"

"ABA'Y LINTEK KA! GAGALIT-GALITAN KA TAPOS ITATANONG MO KUNG SAAN AKO PUPUNTA?! HILO KA??! NANANAHIMIK AKONG PINAPAPALIWANAG ANG NANGYARI SA AKIN SASABIHIN MO GALIT KA REMEMBER?! AYOS KA HA!" nagulat siya, pati rin ako. Anong sinabi ko? Narinig niyo?

"y-yumi?"

"aalis na ako"

"yumi sandali!"

"aalis na nga ako?! Ano bang problema mo?! Ha?!"

"EH UWIAN NA! SAAN KA PA PAPASOK?!" ...

...

...

"H-ha??" bakit namiss ko ata magbasa ng libro ngayon? Ha! Hindi pala ako nagbasa nung nakaraan, nakakainis kasi mga nangyari e. Hehe, ano kayang magandang basahin? Project Loki or ulitin ko yung HIH? Ay oo nga pala ipapalabas siya sa 10:10 sana totoo hehe. Sa Iwant, excited ako! Ganda kasi pareho.

Yumieerah de' wattpaderistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon