Ika-sampu

3 1 0
                                    

"umagang-umaga jeffrey ha! Huwag mo kong simulan!"

"ikaw ang wag magsimula! Hindi tayo bati!"

"kahit kailan ka talaga!! Bakit ba kasi naging partners tayo sa reporting!"

"wow ha parang sising-sisi ka ha! Ganda ka??!"

"oo nakakapangsisi!

"oy oy! Anong gagawin mo sa cellphone ko ha?"

"titignan ko kung anong pinagkakabisihan mo at hindi ka tumutulong!"

"kung magalit akala ko jowa ako! Pwe!"

Inaantok pa ako pero kailangan ko ng gumising, ang ingay nina ate at kuya, magkasama sila sa sala at nag-aaway imbis na gumawa ng report. Tadhana ata na maging sila ang magkasama, nakakainggi--------nakakatuwa, oo nakakatuwa kasi kilala na nila yung isa't-isa. Bumangon na ako at nag-asikaso, linggo ngayon kaya walang pasok, ito rin ang araw ng paghihirap ni marco.

Naalala ko kagabi,  niyakap niya ako bigla, nakakagulat talaga 'yun buti nalang kamo hindi kami nahuli ni papa at mama, pagpasok ko sa bahay nakangisi si ate ewan ko lang kung nahuli kami o hindi.

Umaktong walang pakialam ang naging role ko dahil nakita ko sila ate na seryosong gumagawa ng report nila, isang ingay siguro mag-iingay sila o di kaya'y magkakagulo. Kumain ako ng tahimik at nagligpit pagkatapos, ang sarap ng itlog na malasado saka sinambag. Naririnig ko si tito sa kwarto nila papa, andito rin siguro siya kasama ni jeffrey. Nagpasiya ako na pumunta do'n at bumati pero nagulat ako ng..

"marco?" hindi maipinta ang mukha ko ng makitang nagkakape si marco, papa at tito sa isang lamesa. "...ah anong ginagawa mo rito?"

"ano ka ba yumi ngayon siya maghihirap diba? Hahaha!" sabi ni tito, walang nakakatawa... Bakit kayo tumatawaa?? Nakakabigla!! Maling desisyon ko ito!

"Aking yumieerah magandang umaga ngunit ikaw ay maganda pa sa umaga" tatalunin ba niya ako sa kalaliman ng salita?

"oh,, oh,, Dahan-dahan! Hindi pa kita pinapayagan bumanat-banat sa dalagita ko, hijo!" sabi ni papa. "kailangan mong patunayan"

"opo kahit ano po gagawin ko para sa aking yumieerah"

"Ayieeeeeeeeeeee!!! Like it, love it, lick it, do like that aye aye!!" ay naging Blackpink? Tama ba 'yun? Parang mali, ah basta.

"aba'y sobrang tapang mo naman ata hijo, sana tumagal" hindi ko alam kung biro o hindi ang ibig sabihin ni papa.

"haysus! Tama na 'yan at magsimula ka na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yumieerah de' wattpaderistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon