Ikaanim

11 1 0
                                    

Pasensya sa grammar..

"girlllllllll!!" ay! Palaka!

Napabanggon ako dahil sa sigaw ni ate Cessna! Anong meron? Akala ko naman makakapagpahinga ako dahil naloka ako sa mga nangyayari.

*Knock* *Knock* *Knock*

Bubuksan ko palang sana pero naunahan na n'ya ako, anong problema mo ate??

"gurl! Haha! You won't believe it! You actually won't believe me!!! Whaaa! My heart when oops! Whaaa!" hala siya, puso niya naging oops? Pano nangyari iyon?

"ate anong meron? Anong nangyari? Binuhay na ba si paolo ng the ten year gap? O kaya si aster?" baka lang naman kasi ang taas ng enerhiya niya.

Binatukan ako, oo tama kayo, batok? "A-aray ate! Bakit?"

"Eh ikaw kasi! Puro wattpad 'yang naiisip mo, hindi ba pwedeng buhay ko?!" ah buhay niya daw, okay walang kwenta.

Biro lang, "Ano ba iyon ate?"

"Ayun na nga!" sabi niya at hinampas-hampas pa ako, aray ko naman..

"Ano, hihihi. Nagchat ako kay ano... Kay alam mo na" hanggang sa hindi na naman n'ya matatapos ang sasabin niya. "ta's, sineen niya, hihihi. Whaa! Ta's naghintay ako ng ilang minuto" biglang sumama ang mukha niya "WALA MAN LANG REPLY! NAIINIS AKO! SABI NG KAKLASE KO MAY CHINAT NA BABAE RAW SI JEFFREY KO!" ay huwaw, bet ko 'yang tiwala sa sarili ni ate. "peram nga cellphone mo" agad ko namang binigay.

Kinalikot niya ang cellphone ko at nagulat ako nang mapunta siya sa message. "Sino si marco? Siya ba yung nanliligaw sayo?" ay grabe.

Tumango ako bilang sagot, hindi ko pa pala napapalitan yung pangalan giNOOng marco pa rin imbes na joshua. Ano kale ginagawa niya sa cellphone ko?

Biglang nanlaki ang mata ni ate at saka! "JEFFREY KO!" sino daw? Humarap s'ya sa akin at "bakit nagchat sayo si Jeffrey ng buhay ko?!!"

"teka teka, sino bang Jeffrey ang tinutukoy mo? Ate."

Hinarap niya sa akin ang cellphone ko, sa mismong pagmumukha ko "AYAN OH! JEFFREY DREWSON! JEFF-REY-DREW-SON!!" ah pero hindi ko alam.

"a-ah, t-teka lang ate, hindi ko naman sinagot diba? Saka akala ko magkapangalan lang, patawad ate." tinaasan niya ako ng kilay.

"paano kayo nagkakilala?!" kalmado pero bakas ang inis sa boses niya.

"nakabanggaan ko siya k-kahapon"

Napansin kong mas lalong nainis si ate "ANO BA NAMANG PAA O MATA MERON KA?! HA! PURO KA NAKABANGGAAN-NAKABANGGAAN NA IYAN! ANG LAMPA MO NAMAN KUNG GANON! YUMIEERAH UMAMIN KA NGA, GUSTO MO RIN BA SI JEFFREY DREWSON?!" la!

"A-ate, h-hindi ko alam na yung jeffrey na tinutukoy ko ay yung gusto m---" isang sampal ang inalay niya sa akin.

"Mang-aagaw ka!" at saka biglang binalibag ang pinto ko.

Napabagsak ako sa kama ko at umiyak ng tuluyan. Anong mali? Hindi ko naman alam.. Muli kong binasa ang chat ni Jeffrey sa akin.

Jeffrey Drewson: Sorry my dear, Hope to see you soon :>

At saka tuluyang bumagsak ang mga luha ko! Ang tanga mo yumieerah! Bakit nga ba kasi ang lampa mo? Na kakainis ka nga naman! Bawat lingon mo may makikilala ka, bwiset sana lahat! O diba! Dapat siya nalang yung naging lampa, sana siya nalang yung laging nabubunggo! Wala namang sila bakit ganoon siya kung umarte? Masyado siyang seryoso pag dating sa ganiyan!

Yumieerah de' wattpaderistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon