Promise 6: It hurts the most

48 3 0
                                    

[ Mimi's POV]

" Patawarin? Mahirap magpatawad ng tao, lalong lalo na kung ang taong 'to ay tinuring kong kapamilya,kapatid. TAKSIL KA!" sabi niya atsaka siya lumabas ng CR.

Ang SAKIT! ANG SAKLAP!  nandito pa rin ako sa CR habang umiiyak, tagos sa puso ko yung sinabi niya.. Naagawan ko nga siya. Ang liit naman ng mundong 'to, sa dami ng lalaking maging boyfriend ko yun pang taong mahal ng bestfriend ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang dami ko ng ginawa para mapatawad niya na ako.

~Nagbake pa ako ng Cake para sa kanya, pero tinapon niya lang ito sa akin.

~ Pinalinis pa niya ako ng banyo, pero hindi pa rin maialis ang sama ng loob niya sa akin.

~Lapit ako ng lapit sa kanya, pero tinutulak niya lang ako palayo.

Ang dami ko ng ginawa, pero yung mas worst na nangyari sa akin ay pinaluhod niya ako sa madamin tao at pinahiya. At sinabihang isa ako taksil, mang-aagaw, flirt, slut, whore at kung ano anong masasakit na salita ang binitawan niya sa akin. Hindi pa rin ako pinatawad ng bestfriend ko.

" Mimi, tama na yang ginagawa mo" sabi ni Lance sa akin habang patuloy pa rin akong naglilinis ng classroom namin....classroom namin ni Sin. Inutusan niya ako, para mapatawad na niya raw ako.

" Hindi pwede Lance, alam mo naman siguro kung bakit nagalit si Sin" sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa paglilinis ng sahig.

" Oo alam ko, pero sana naman tignan mo rin ang sarili mo"

" oo, alam kong madungis na ako. Ok lang ako" sabi ko habang dahan dahan ng pumapatak yung luha ko sa mukha ko. 

" hindi sa madungis kana, kundi naging isa kang malaking tanga!" sabi ni Lance sa akin habang naka upo siya sa harapan ko.

"WWWWWWWWWWAAAAAAAAA!!! bakit? bakit?! ang sakit sakit na Lance. Ang sakit maiwanan ng isang bestfriend, pero kasalanan ko rin naman ehh, naging taksil ako!, naging tanga! Hangal! Mang-aagaw!" sabi ko habang humahagulgol na ako sa iyak

Bigla naman akong niyakap ni Lance.

" ssshh....tahan na. Hindi ka mang-aagaw Mimi, pinaglaban mo lang kung ano ang ikinasasaya mo, pinaglaban mo pa rin ang pagmamahalan natin. " sabi ni Lance sa akin habang patuloy ako sa pag hikbi.

" Lance, pero nang-agaw ako! isa akong mang-aagaw! hindi ka ba nahihiya na yung girlfriend mo ay isang mang- aagaw?" 

" Oo mimi, nang-agaw ka nga. Nang-agaw ka ng taong minahal ng bestfriend mo, pero ang tanong. Gusto ko ba siya? HINDI! ko siya gusto Mimi. Ikaw ang gusto ko. Wala ng iba, simula ng makilala kita parang lumiwanag ang mundo ko. Kung mahal mo talaga ang isang tao ipaglaban mo. Mimi MAHAL NA MAHAL KITA" sabi niya at humigpit pa yung pagkakayakap niya sa akin.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon