[Mimi's POV]
Shitzu....galing ng paandar ni Charles, kilig to the bownes.
Bigla namang tumakbo si Misaki papuntang CR. Masundan nga.
"Excuse me" sabi ko sa kina Charles at Jojo habang nakangiti.
Agad akong naglakad papuntang CR at nadatnan si Misaki na nakaharap sa salamin habang kabado yung mukha.
"anyari sa mukha mo? para kang ginahasa ng multo" sabi ko sa kanya habang nakakangiti ng nakakaloko.
Tumingin naman siya sa akin na kabado pa rin ang mukha.
" tanga ba ako Mimi?" nabigla naman ako sa tanong niya. Problema niya.
"hindi" sagot ko naman
" pangit ba ako Mimi?" babaeng 'to baka ihagis ko yung mukha niya sa salamin para makita niya yung mukha niya. Anong klaseng tanong ba yan -.-
" hindi ka pangit, maganda ka Misaki" sabi ko sa kanya wihihihi.
Maganda lang siya, ako DYOSA.
Pagkasabi ko nun bigla na lang yumuko yung ulo niya. Anong tinitignan niya sa ilalim?
Sinilip ko naman yung tinignan niya sa ilalim. Pero wala namang SPECIAL sa nakita ko. Mga buhok lang -.-
" Ba't mo ba tinatanong?" sabi ko sa kanya.
" Mimi "
"hhmmm?"
Bigla naman siyang tumingin sa akin
" I think...."
Tinitigan ko si Misaki ng may pagtataka. Bakit hindi niya na lang sabihin ng tuloy tuloy? Pabitin pa ehh <__<.
" I'm in LOVE " nabingi ako sa sinabi niya, parang isang kampana na pinatunog sa tenga ko.
Pero!! WWWAAAHH!! ang saya saya ko! Pers time in love yung Bespren ko! PUSONG BATO kasi 'to
Agad ko siya nilapitan at niyugyug ko yung mga balikat niya habang ngiting ngiti.
" TOTOO MISAKI? WWWAAAAAHHH tinkyu Lord na In love na rin 'tong bestfriend ko! WWAAHH" sigaw ko sa CR habang nag m-monkey dance.
" Kanino ka naman In love, aber?" sabi ko sa kanya at sinundot sundot ko yung tagiliran niya.
"kay..." tinignan ko naman siya habang hindi nawawala yung mga ngiti sa labi ko.
" kay..." pisti..ang tagal namang sabihin, pabitin pa ehh. Para siyang isang plaka na pauli-ulit sinasabi yung mga salita.
![](https://img.wattpad.com/cover/29718273-288-k144994.jpg)
BINABASA MO ANG
PROMISE
Teen FictionSa pagpapalitan ng pangako nila nung bata pa, hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa't isa. Sa bawat Bangayan magkakaintindihan pa kaya sila?