08: THE EVENT

187 18 5
                                    

:))





The Event

Venz Allison's PoV

"Oh buti naman andito ka na. Tayo nalang hinhintay doon." Naiiritang sabi ni dawn.

"Hayst. Naglipat bahay kasi kami eh. Umidlip muna ako kasi napagod ako. Eh nalate ako ng gising." Sagot ko sa kanya.

"O sya. Tara, tara na." Sabi ni Franz na iritang irita. Isinuot na namin ang maskara at pumasok na sa loob.

--

Pagkapasok namin sa mansyon ng emperor ay nakita agad namen ang table namin. Kasunod nito ang table ng phoenix. Nakita ko din si Rebecca na nakatingin sa gawi ko. Sus, pa- red lipstick pa kala mo bagay. Blackpink ka ghorl?

Habang nakatingin sa'kin si Rebecca ay kumuha sya ng champagne at ininom ito. Ngumisi ito sa'kin at iniripan ako, na para bang sinasabing mas maganda sya sa'kin.

Well, 'di ako papatalo ghorl.

Umayos ako ng postura at nag- stomach in, chin up at naglakad papuntang sa katabing table ng phoenix. Ang table namin.

Pagka-upo ko ay agad 'kong pinatong ang kanang hita 'ko sa kaliwang hita 'ko, tinignan si Rebecca na ngayon ay nakatingin sa'kin at kumuha ng Champagne, ngumisi muna ako bago ininom ito.

Tinarayan nalang ako nito at ibinaling sa iba ang tingin. Napahalakhak ako ng mapaasakin ang tagumapay.

Mas maganda ako sa'yo ghorl, mas maputi pa. Alagang cristal white to noh. Sabi ko sa isip ko at humalakhak.

Tok!

"Aray Franz! Puñeta bat ka namamatok?" Tanong ko dito sabay hawak sa batok.

"Para kang tanga jan. Hoi lola, para sabihin ko sa'yo hindi tayo andito para magparty. Andito tayo para magbantay noh." Sabi nito sa'kin.

"Ebarg. Ang ganda ko para maging lola oh. Sa kinis kong to." Sabi ko at hinawakan ang legs ko. Binatukan naman ulit ako nito.

"Para talagang timang. Oo na maganda ka na. " Sabi nito saka ngumiti, napangiti din ako sa sinabi nya. "Papasa ng shugahh mommeyy" dagdag nito at ginaya pa ang accent ng lintek na baboy na si peppa.

(Sugahhh mommeyy venz pasponsor po dma book 🥺 HAHAHHA)

Dali dali akong tumayo para kaltukan sana sya. Kaso mabilis itong nakatakbo.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Emperor. Naka tuxedo rin ito.

May pumasok din na isang babae.
Ang pagkakaalam ko ay pangalan nya ay Rozan. Sya ang messenger ni Emperor.

"Good Evening. Alam nyo naman lahat kung bakit naandito tayo ngayon, right?" Nakangiting sabi nito. "To celebrate the birthday of our Emperor. Let the party begins."

--

Ilang oras ang lumipas ay maayos naman ang party. Wala pa naman kaming nakikitang kahina- hinala.

"Attention everyone." Pagkuha ni Rozan ng atensyon namin. "Para sa closing ng event ay magpapa- auction si Emperor." Pagtapos ay pumalakpak ang mga tao at nagsigawan.

My Wife is a Secret Mafia Boss Where stories live. Discover now