Chapter 9

83 3 0
                                    


Nagmulat ako ng mga mata at muling pumikit ng masilaw sa liwanag ng araw na tumagos sa sliding glass wall ng kwarto kong nagdudugtong sa balcony.

Umaga na nga. At hindi ko alam kung nakatulog ba ako o buong gabing tulala lang sa kisame ng kwarto ko. Bago pa 'ko makapag-isip na naman ay bumangon na ako at sinarado ang makapal na kurtina sa glass window or door or wall. Damn, nevermind. At saka na ako dumiretso sa banyo. Today is another day. I plan to spend it to my shop. Tutal ay hindi kopa ito nabibisita for the past days.

Matapos ang pag-aayos sa sarili ay bumaba na 'ko. I was even startled about the reflection I saw on the mirror earlier. Malaki at nagingitim na eye-bags, maputlang mukha and dry lips. Damn. I look horrible. Thankfully, mareresolba na ng make-up sa panahon ngayon ang mga ganoong problema kaya naging presentable naman ang itsura ko kahit papaano.

Pagbaba ko ay tahimik at tanging iilang kasambahay lang ang nakita ko. Bumati sila na nginitian ko nalang. Si Manang naman na nakalakihan ko na ay nasa labas din at inaasikaso ang mga pananim ni Mom. Seems like Mom and Dad aren't really at home so I just headed straight to our garage. Manang asked me to eat but I refused.

"Kakain na lang po ako on the way. Pakisabi po kay Mom na dumiretso ako sa shop ko." I said to Manang.

"O'sige. Ingat ka, anak." I smiled at her.

"Opo. Thanks, Nang."

Minaneho ko na ang Porsche ko at dumiretso na papuntang ASD Boutique. Pagpasok ko ng shop ay sumalubong kaagad sa'kin ang mga staff ko. I smiled and greeted them.

"Iba talaga ang beauty ni Madam." Pagbibiro pa ni Josh. Tinawanan ko lang siya. "You're flattering me, Josh."

Hindi rin nagpahuli ang lahat. "No joke yon Ma'am." Inirapan ko lang sila kunwari.

"Anyway, kamusta naman ang shop nung wala ako?" I asked them, instead.

"Okay na okay po, Ma'am. Inilista ko na din po sa notes nyo yung mga customer na nagpapagawa ng mga gown at dresses." Tinanguan ko naman si Maya.

"How about Liza? Was she okay here?"

"Opo, Ma'am. Masaya rin pong katrabaho si Ma'am Liza. May iniwan nga po daw pala siyang note sa inyo doon sa Office." Ani naman ni Joy.

Ngumiti ako. "Mabuti naman at walang naging problema."

"Sige po Ma'am kami na po ang bahala dito sa labas." Faith said. Tumango nalang ako.

"Tulungan kona kayo sa mga gagawin sa sewing room, Ma'am." Umiling ako sa sinabi ni Maya. "I can manage, Maya. Siguraduhin niyo nalang na maayos ang lahat dito, pati na ang mga taong pupunta."

"Sure po kayo, Ma'am?" Faith and Joy asked.

Tumango ako. "Yeah."

Binalingan ko si Josh. "Could you please organize the inventory for me?"

"No problem, Madam! Masusunod po." Natawa nalang ako ng yumuko pa ito.

"Thank you, guys. Puntahan niyo nalang ako sa office ko kung may sasabihin kayo." Pahabol kong salita.

Pagpasok ko ng office ay umupo kaagad ako sa swivel chair at huminga ng malalim. I didn't entertain the thoughts that are continuously knocking on my head. Matapos kong mabasa ang note na nakapatong lang sa table ay inabala ko na ang sarili sa pagsisimulang magdrawing na base sa design na gusto ng bawat customers. Nakita ko ring may iilan ng drawings sa sketchbook ko. 'Yon ang nakasulat sa note na iniwanan ni Liza kasama na ang phone number nito kaya minabuti ko ng tawagan din siya kaagad. Agad rin naman niyang sinagot matapos ang isang ring.

Bachelor Series Book 2: Clandestine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon