Chapter 10

73 3 0
                                    


Nakangiti kong pinagmamasdan sina Kuya Ty at Ate Jen. They look so in love. Nagpapalitan na sila ngayon ng vows. Halata ang saya sa kanilang mga mukha habang magkatitigang nakangiti at naluluha pa. I sighed.

Kung sana ganiyan din 'yung samin ni-- I shook my head and dismissed the thought. Hindi ko dapat siya isipin.

Kanina lang, katapat ko ito sa harap ng altar. Hindi ko siya tinitignan at pilit na itinutuon ang pansin sa dalawang ikinakasal. But his stares are digging to me. Ramdam ko ang init ng mga tinging ibinibigay niya pero ipinagsasawalang bahala ko lang iyon.

Ayoko na kasi.

Nung magbigay ng kaunting aral ang pari, parang nagising ang buong pagkatao ko mula sa mga nagawa. Ang pagmamahal kay V, ang pagpapaubaya ng sarili ko sa kaniya.. na hindi naman dapat. Sobrang makasalanan ko para hayaan siyang gawin ang mga bagay sa'kin na hindi naman dapat. Dahil una ay may ibang girlfriend ito.. At hindi niya ako mahal.

I gritted my teeth and was startled when everybody clasped. Tinignan ko ang altar, at tapos na pala. 'Kiss the bride' na pala at lahat ay nagsisitayuan na. Nakipalakpak na din ako at tumayo. I heaved a sigh. Naisip kong mamaya ay hindi na 'ko didiretso pa sa reception.

Lumapit ako sa may altar at nginitian sina Kuya at Ate. "Hello, newly weds! Congrats.." Niyakap ko silang pareho.

"Thank you, A. Punta ka sa reception, ha?" Ani Ate Jen.

Umiling ako. "Hindi po yata ako makakapunta, Ate. Anyway, where are my nephews?" Pinalibot ko ang tingin sa lugar. Ngunit iba ang natagpuan ng mga mata ko.

There he is staring intently again. Umiwas ako ng tingin.

"Baka naglalaro na naman ang mga iyon, o kinakausap ang ibang mga bisita."

Tumango nalang ako at ngumiti kay Kuya.

"Uhmm.. I'll go ahead? Sorry talaga na 'di ako makakapunta sa reception, Ate at Kuya.."

"It's okay. Tara picture tayo." Ate Jen said. Tumango naman ako at nagpose na nga kami sa harap ng Camera.

Bago pa matapos ang lahat sa pagpapapicture sa bagong kasal ay nauna na 'kong lumabas. Dumiretso na 'ko sa sasakyan kong dala. Gladly I brought my own car here. At sina Mom and Dad naman ay ang BMW ang gamit kasama ang driver namin.

Nang mapausad ko na ang sasakyan ay tinawagan ko si Mom. "Mom?"

"Hey, baby. Nasan ka?" Tanong niya agad sa kabilang linya.

"Nauna na po ako, Mom. Hindi na 'ko makakapunta sa reception.."

"Why?" Bakas ang disappointment sa boses niya. "May problema ba, A? Nag-away ba kayo ni Vincent?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman naisip yan, Mom?" I forced a chuckle. "Sige na po, I'm driving. Ibababa ko na 'to."

"Okay. Drive safely, okay? Take care, baby." Tumango ako. "Yes po. Love you Mom."

Nang mamatay ang phone call ay napabuntong-hininga ako saka nailing. My Mom is really good at guessing sometimes. Hindi man kami nag-away ni V, na as in away talaga, pero.. Argh. Nevermind.

Bakit ba kasi hindi siya mahinto sa pagpasok sa isip ko? Nakakainis.

Ilang sandali lang ay nakarating na rin ako sa bahay. Hinubad ko na ang suot na cocktail gown matapos ay naligo ulit. Naghanda ako ng damit para pumunta sa shop. Doon ko nalang gugugulin ang oras ko buong hapon. Ngayon kasi ay tanghalian na. And I don't have a plan to eat. Wala na naman kasi akong gana.. Nailing nalang ako sa ginagawa.

Nang makarating ng shop ay ginreet ko lang sina Josh, Joy, Maya at Faith. Dumiretso na rin kaagad ako sa office para icheck ang inventory. Proud na proud ko pang tinignan ang mga gowns and dresses na ginawa ko lang kahapon. Ngumiti ako. Bukas kasi ay ang delivery ng mga 'yon. I already assigned Josh and Faith for that. Kahit matagal na 'ko sa larangang ito ay hindi pa rin maalis sa'kin ang manalangin na sana masatisfy ang bawat customers at magustuhan ang mga gawa ko.

Bachelor Series Book 2: Clandestine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon