Chapter 21

82 3 0
                                    


"Tangina." Mahinang bulong ko ng magising ako ng may masakit na ulo.

As usual, madilim ang buong paligid. Ni hindi ko nga alam kung umaga na ba o gabi dahil sa kapal ng kurtina kong nakatabing sa glass wall. For the past fucking hours, nandito lang ako sa bahay.. sa loob ng kwarto, nagpapakalasing. I want to remove even a tiny piece of her in my damn system, but fuck! I can't. Kahit nalulunod na 'ko sa alak, nandidito pa din siya sa isip ko! Nandito pa rin siya sa puso ko!

Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawang tumayo sa sobrang sakit ng ulo ko. Kaya muli nalang ako tumihaya at tumulala sa kisame. I've been using the guest room. Because.. staying in my own room makes me want to slash my own wrist. Naaalala ko lang siya doon. At kapag naaalala ko siya, nasasaktan lang ako ng sobra sobra.

It feels like it's been a damn decade since I last saw her. And I'm still here inside this damn guest room of mine, thinking about her. Drowning in liquor, and still beating my already fucked-up heart with the thoughts of her.

Ipinaliwanag ko naman ang lahat sa kaniya. I begged her to stay. I begged her to listen. I begged her to fucking look at me! I fucking kneeled down just to make her come back, pero hindi siya bumalik! Pinili niyang iwanan ako!

Pumikit ako. Tumulo ang isang butil ng luha sa kaliwang mata ko at inis ko pinunasan iyon.

I am fucking willing to make all things right! Sinabi ko naman na hintayin niya lang ako! Magagawa ko kaagad! Basta h'wag niya lang akong iiwan! Putangina!

This is entirely your fault!, said the other side of my consciousness.

"Fuck this tears!" Bumangon ako at iniyukyok ang ulo sa mga kamay ko. Kasabay ng pagsigid ng sakit sa ulo ko ay ang pagwawala ng puso ko. Puta ang sakit! Bawat tibok niyon, pangalan niya ang sinisigaw pero puta ang sakit sakit!

Alam kong ako ang may gusto nito! Pero dahil 'yon sa mahal na mahal ko na siya! I know I've been a douche for only knowing that this late, but damn! Ganito ba talaga dapat kasakit makita siyang harap-harapang iwanan ako? At ipagtabuyan ng ilang ulit?

Hanggang kailan ba niya ako paulit-ulit na tatalikuran?! Kailan niya ba pipiiling manatili at pagkatiwalaan ako?!

Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang sariling alalahanin ang unang beses na nakuha niya ang atensyon ko kasabay ng iilang luhang ayaw pa ring tumigil sa pag-agos sa mga mata ko.

"BRO! ANO BANG tinitignan mo dyan?" Hindi ko nilingon si Andrew dahil abala ang mga mata ko sa panonood sa isang batang babaeng pinipilit abutin 'yung lobo niyang umakyat sa puno.

"Bahala ka nga dyan! Hinahanap ka na ni Tyron, bro. Mauna na 'ko. Sumunod ka agad ha!"

"Sige." Sagot ko nalang sa kaniya saka ko siya narinig na umalis na.

Nilapitan ko ang cute na batang may mga kulot kulot pa ang dulo ng buhok. Namumula na ang pisngi niya sa init at namumuo na rin ang pawis sa kaniyang noo. Halata pa ang pagka-inis niya dahil sa pagkakakunot ng noo niya habang nakatingala at nakatanaw sa pulang lobo.

"Hey." Tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa'kin at ngumuso siya. Napakainosente ng mga tingin niya, pero iba ang hatid non sa binatang puso ko. Para akong nahipnotismo, at nagising lang ng marinig ko ang matinis niyang sigaw sa'kin.

"I'm talking to you!!"

"U-uh.. What?" Maang kong tanong sa kaniya. Kumamot naman ang maliit niyang kamay sa ulo niya sa pagkaasar sa'kin. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Stop laughing! I was asking you to please get that balloon for me!" Hiyaw niya. I feel so stupid trying not to laugh because of her expressions. Ngayon lang ako namangha ng dahil sa matinis na tonong naririnig ko.

Bachelor Series Book 2: Clandestine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon