Chapter 22

211 3 2
                                    

//an: Good day! It's been a long time. How are you? //

"Sigurado kana ba na pupunta kana ng California?" tanong ni Ate Jen sa'kin.

Tumango ako. Lumingon kami kay Kuya Ty nang nagsalita ito. "Of course she is, wife. Kita mo namang ilang araw na natin siyang kasama sa bahay pero 'yang Cordova na 'yan ay wala man lang ginagawa! He's not meant for Amadelyn, wife. Sinasaktan niya lang ang kapatid ko kaya mas mabuti ng magkalayo sila."

Nalungkot ako lalo sa narinig. Tama naman si Kuya. Umaasa pa 'ko na sana binisita niya ako dito at pinilit sana na kausapin ako, pero hindi ko man lang nakita kahit anino niya. I miss V, and it hurts like hell. Sa kabila ng mga nalaman ko, sa kabila ng sakit ay mahal na mahal ko parin siya.

"Ano kaba naman! Tignan mo, nalungkot tuloy lalo ang kapatid mo!" Inis na ani Ate Jen kay kuya. Ngumiti ako at umiling.

"It's okay Ate. Totoo naman ang sinabi ni Kuya." mapait kong saad.

Bumuntong-hininga siya at inirapan si Kuya. "Get out for a sec, baby. Magkekwentuhan lang kami ni A."

"Okay. I love you." at narinig ko nalang na sumara at pintuan dito sa kwartong tinutuluyan ko sa bahay nila.

"You know, in love there's always a heartache." panimula niya matapos tumabi sa'kin sa pagkakaupo sa kama. "Nagkaanak ako ng wala ang Kuya mo sa tabi ko. I thought I moved on, that I am ready to face him pero hindi. God will still give us a sign to be together. Kahit nasaktan siya sa pagtatago ko sa kambal, kahit nasaktan niya 'ko sa mga nangyari ilang taon bago kami muling nagkita, we accepted it."

"It takes time to accept everything, I know. Pero minsan magugulat ka nalang na tanggap mona pala kaagad. And it's not because you're selfish, but because you still love him. Alam kong iniisip mo na magiging masamang tao ka because there's another person who's waiting for him, but can't you try to give him a chance to explain? Give your self a chance to accept everything he'll say." Tumulo ang mga luha ko habang si Ate naman ay patuloy sa pagsasalita.

"Masakit talaga ang magmahal. Kaya sana bago mo pasukin ay kaya mong panindigan. It's not a one-sided love. Dalawa kayo. I can see that he loves you, and so are you. Ayaw mo bang bigyan ng pagkakataon yung pagmamahalan niyong dalawa?" masuyo niyang sambit.

Tinignan ko siya at nakita kong ngumiti ito ng malumanay sa akin. "Do you think there's also a sign for us? May ibibigay din bang sign sa akin si God para hindi ko siya bitawan?"

Tumango siya at marahang hinagod ang likod ko. "Yes. Just let God do all things for you two. Clear your mind and let your heart mend all the heartaches."

Niyakap ko siya. "Thank you, Ate Jen."

Tinapos ko ang pagiimpake at tinulungan naman ako ni Ate sa pag-aayos. And yes, tutuloy ako papuntang California. Ayoko man pero baka ito ang daan para maging maayos na talaga ang lahat. Bahala na ang Panginoon sa kung ano man ang mangyari.

Gumaan naman na din kahit papaano ang loob ko matapos naming mag-usap ni Ate. Pero ang pangungulila ko sa presensya ni V ay hindi pa rin nababawasan. Pakiramdam ko nga ay gusto ko pang malanghap ang natural na amoy ng katawan niya. "Hayy.."

"Ang lalim naman niyan." Gulat akong napalingon sa likod at nakita si Kuya na nakasandal sa hamba ng pintuan. "How. are you, little girl?"

Inikot ko ang mga mata bago sumagot. "I'm okay, Kuya."

Tumango siya. "Let's go?" tanong niya.

"Yes." Sumunod ako ng lumabas siya bitbit ang mga maleta kong nasa gilid lang ng pintuan kanina. Bumaba kami ng hagdan at nakita si Ate kasama ang kambal na sina Jace at Tyler na kapwa nakahawak naman sa kamay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bachelor Series Book 2: Clandestine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon