Chapter 17

59 2 0
                                    


"Mm.." I inhaled the scent of the familiar thing I am hugging. Ang sarap sa pakiramdam ang humiga sa malambot na kama at yakap ang mabangong unan na mas nagpapahimbing ng tulog ko.

Pupungas-pungas akong nagmulat ng mga mata. Sa pagbungad ng kulay gray na dingding ay nangunot ang noo ko. Tumihaya ako at nakita naman ang glass ceiling na kita ang mga bitwin at maliwanag na buwan. Mabilis akong napabangon. Shit.

"Nasaan ako?" I whispered as I scan the whole area. Unan ang kaninang yakap ko. Puti ang bedsheet, at kulay black ang lahat ng punda ng unan. Maaliwalas ang buong silid na halatang lalaki ang may-ari.

Kanina.. Nakatulog ako? Basta ang alam ko ay nakayukyok akong umiiyak kanina matapos sabihin kay Faith na h'wag akong istorbohin sa opisina ko. Umupo ako ng maayos at kunot noong muling ipinalibot ang tingin sa silid. A familiar scent lingered in my nostrils.

Amoy.. Amoy Vincent? Wait..

Nang maalala ang buong pangyayari kanina ay sumakit ang ulo ko. Gumuhit ang sakit sa puso ko at nangasim ang sikmura ko. Pinigilan ko ang pagbabadya ng luha at tinignan ang suot-suot ko. I am wearing an oversized shirt. Nang maamoy iyon ay ang pamilyar na pabango ni Vincent ang naamoy ko. Wala akong kahit anong suot na shorts at tanging undies lang ang pang-ibaba ko.

What the fuck happened? Pinakiramdaman ko ang sarili pero mukha namang walang ibang nangyari.

"But why am I here?" Dinala niya ba 'ko dito sa bahay niya? Damn. I really can't remember. Nadala niya ba 'ko dito habang tulog ako?? Pero bakit hindi man lang ako nagising?! And what is this.. Gabi na!

Tinignan ko ang orasan na nakadikit sa dingding at nakitang 8:24 na. Gaano na 'ko katagal natulog?

"You're awake." Napabaling ako sa pintuang bumukas at nakita ang bahagyang nakangiting si Vincent. My heart instantly jump up and down as he slowly strode towards me.

"Did you sleep well?" Masuyo niyang tanong. Lumunok ako at tumango.

Umupo siya sa kamang kinahihigaan ko. Nakatitig ito sa'kin at ganoon din ako sa kaniya. How can I let go of this man?

Napapilig ang ulo ko ng mas mapagmasdan ang mukha niya. Maga ang sa gilid ng labi niya, may mga pasa sa magkabilang pisngi at kita rin ang putok sa gilid ng kilay niya. Halata pa rito ang kaunting dugong natuyo. "W-what.."

Hinawakan ko ng kamay ko ang mukha niya. I bit my lip as I slowly caressed his cheek and gently touched his jaw. Siniguro kong hindi matatamaan ang pasa niya sa mukha habang maingat siyang pinagmamasdan.

What the hell is this? Did he get into a fight? Kumunot lalo ang noo ko. Hindi ko maiwasan ang pag-aalala. "What happened to your face?"

Ibinaba niya ang kamay kong masuyong humawak sa panga niya. Hinuli niya ang mga mata ko at tumitig ng mariin sa'kin. Nang maghinang ang mga mata namin ay nakita ko ang iba't ibang emosyong kumikislap doon. Mataman itong nakatitig sa'kin habang hawak pa rin ang kamay kong ibinaba na niya ngayon sa maliit na pagitan namin. I calmed the eratic beating of my heart as I tried hard not to show him the pain I have inside.

"Amadelyn baby ko.." He softly called.

Kumurap ako at pilit inaagaw ang kamay sa kaniya pero mariin ang pagkakahawak na doon. I exhaled a breath. "Let go of me, Vincent."

"No." Gamit ang isang niyang kamay ay hinawakan niya ang mukha ko at pilit hinuli ang mailap kong mga mata. "Look at me.. Please, baby. Look at me.", dinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya na halos pumiraso sa'kin.

"Look at me. Please.."

Tumungo ako at pumikit ng mariin. Calm down. You should do this, A. Kailangan mo ng bumitaw. I chanted repeatedly inside my head. Pinigilan ko ang maluha. Kinalma ko ang sarili ang dahan-dahang tumingin sa kaniya. Kailangan ko 'tong gawin. Kailangan. Hindi kami pwede. Kahit anong gawin namin. Hindi pwede.

Bachelor Series Book 2: Clandestine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon