The Game

35 2 0
                                    

Lynn's POV

Time: 6:36am Saturday

*BANG*

Isang malakas na putok ng baril ang nagpagising sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at bumangon.

"Shit." Ang sakit ng ulo ko- teka nasaan ako?

Nasa isang malaking silid ako. Nasa komportableng kama, airconditioned room, may closet at drawer.

Kahit ang bigat ng pakiramdam ko ay agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Lynn!" Tawag sa akin ni Joy na kakalabas lang ng isang room.

Nakahawak ako sa ulo ko nang lumapit sa kanya. "Nasaan tayo? Yung iba nasaan?"

"Nasa baba na ata sila. Tara na."

"Ha? Nandito pa rin tayo kila Agatha?" Ano ba kasing nangyari, bakit may mga kwarto.

"Oo. Ang sosyal noh? May kanya kanya pa tayong kwarto hahaha! May surpresa ata si Agatha sa atin mamaya, sinabi niya yun kagabi." Naglakad na patungo sa hagdan si Joy.

Nagsimula na kong magtaka sa mga nangyayari.

Habang naglalakad ako, nadadaanan ko ang mga pinto ng bawat kwarto. May pangalan ng mga kaibigan ko ang bawat pinto. Gaano katagal pinagplanuhan ni Agatha ang party na sinabi niya?

Bumaba na ako at tumungo sa living area. Naroon na rin at nakaupo sa mahabang couch ang mga kaibigan ko.

"Good morning admin!" Bati sa akin ni Diana.

"Good morning sa inyo." Bati ko pabalik at binati rin ako ng iba.

Naupo ako sa pagitan ni Jovell at Aireen.

"Kamusta pakiramdam mo?" - Aireen

"Masakit ulo." Sagot ko.

"May pain reliever ako sa bag, uminom ka mamaya." - Aireen

Tumango ako.

"Alam mo, nabbwisit na ako sayo. Manahimik ka nga!" Saway ni Diana kay Emily.

"Alam mo na kasing hindi ikaw ang gusto, pinipilit mo pa sarili mo." - Emily

"Fuck you! Tikom mo bibig mo, papatayin kita." - Diana

"Tama na yan." Saway naman ni Kennylene sa dalawa.

"Ang sipag ng mga maid ano? Nalinis na agad ang mga kalat ng party kagabi." - Jai

"Wala bang breakfast? Nagugutom na ako." - Kennylene

"Manahimik ka nga muna dyan, hintayin natin si Agatha. Di pa ata nagigising." - Jovell

"Ano nangyari sa mukha mo Hailey? Bakit may pasa ka?" Puna ni Diana nang makababa si Hailey galing sa room niya.

"Tama lang sa kanya yan." - France

Tumingin sa akin si Hailey at umiwas ako.

Nasaan na ba si Agatha?

"Ang tagal naman magising ni Agatha. Gisingin ko na kaya? Para makauwi na tayo." - Monica

Umakyat si Monica at tumungo sa silid ni Agatha.

"Hanggang ngayon wala pa ring signal. Nakakainis naman." Reklamo ni Angelica.

"Guys!" Tumakbo pababa si Monica. "Walang kwarto si Agatha. Puro atin lang. 18 rooms yon. 9 sa left side, 9 sa right side. 19 kung kasama si Agatha. Pero 18 lang."

"Math na naman." - Joy

"Nasaan si Agatha?" - Dhebs

"Nasaan ang mga maids?" - Myla

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now