Fifth Night

36 0 0
                                    

Lynn's POV

Katulad ni Agatha, LAHAT KAYO MAMAMATAY.

"Lahat tayo mamamatay?" Sabi ni Aireen.

"Sigurado akong marami pang nakatagong mga silid sa bahay na 'to. Nandun ang pumapatay." - Nemmy

"Kailangan na natin umalis dito." - Jai

"Mahaba pa ang oras, mag-ikot pa tayo." Sabi ko at agad na kaming lumabas sa bodega sa loob ng judgement room.

"Girls, please proceed to your room." - Agatha

9:02pm pa lang ah.

"Ang aga pa ah." - Nemmy

"Few of you broke some rules. At dahil dyan, dalawa ang mamamatay ngayong gabi. HAHAHAHA" - Agatha

"Tangina?" - Jai

Hindi pwede.

"Kailangan natin malaman kung saan inooperate ang paglalagay ng active current sa bawat doorknob ng kwarto para madisconnect din natin." Paliwanag ko.

"Lynn, lahat ng napag-uusapan natin nalalaman ni Agatha. I mean, ng kung sino man 'yang mastermind." - Nemmy

"Aireen anong ginagawa mo?" Tanong ni Jai kay Aireen na abala sa mga binabasa niya sa bookshelf.

"Tara na. Pumunta na tayo sa kwarto natin." - Aireen

"Guys, ituloy niyo ang plano, kahit sino man sa inyo ang manatiling buhay, ipanalo niyo ang larong 'to." - Nemmy

Nakita ko ang hawak na folder ni Aireen.

"Mananalo tayo. Konti na lang, malalaman na natin kung sino ang mga killer." - Aireen

_______

Serial Killer's POV

"Kailangan mo nang patayin si Lynn."

Ayoko.

"Dad, hindi ko kaya."

"Hindi mo kaya? Kasi mahal mo na? Alam mo, ang tanga tanga mo. Pinapairal mo lagi ang puso mo kaysa sa utak mo." Abala siyang pinupunasan ang dalawang baril sa lamesa.

"Dad, tama na. Umalis na lang tayo, pakawalan na natin sila, tutal hindi naman nila nakilala kung sino ang mga killer." - ako

"Tanga! Sayang ang pera kung papakawalan mo sila." Nilabas niya ang isang case na may lamang pera at binuksan sa harap ko. "Nakikita mo ba 'to?"

"Tatlong milyon? Kay Agatha pa lang yan! HAHAHA." - dad

"Uunahin ko na lang ang doctor." Sagot ko.

"Kilala mo na ba kung sino?" Tumingin siya sa akin. "May plano ako. HAHAHHAA"

Lumapit siya sa microphone at nagsalita. "GOOD NIGHT GIRLS!"

_______

Myla's POV

Dalawa ang papatayin ng mga killer ngayong gabi, tapos isa lang ang sasagipin ng doctor? Ang unfair.

Madaya makipaglaro si Agatha.

Malamang sila Lynn ang kumilos at nagbreak ng rules. Sinabihan ko lang si Dhebs na 'wag na silang pakialaman dahil ayokong madamay kami.

Natatakot ako. Kahit gustuhin kong makaligtas dito, alam kong malabo. Malakas ang kalaban namin, namatay na mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko.

"Myla." Isang boses ng kaibigan namin ang narinig ko at napalingon ako sa pinto ng kwarto ko.

"B-Buhay ka?" Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya.

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now