Last Night

37 2 0
                                    

Lynn's POV

"Pagkakataon na siguro para makilala niyo ako. HAHAHAHAHAHAHA"

Biglang may pumasok na limang armadong lalaki na nakamask at nilapitan kami isa isa.

"Ano 'to?!" Sigaw ni Jai.

Napansin kong may panyo silang hawak na pinangtatakip sa bibig namin at saka kami nawalan ng malay.

_______

Unknown's POV

"Kung ayaw mong makilala ka nila at kamuhian ka, 'wag ka na lang magpakita tutal ang alam naman nila, patay ka na." - dad

Palabas na sana siya ng silid nang magsalita ako muli.

"Dad, 'wag mo na silang saktan, pakawalan mo na lang."

"Hanggang ngayon pa rin ba, tutol ka pa rin? Tingnan mo nga, marami ka nang pinatay." - dad

"Hindi pa sila patay!" Sigaw ko.

Unti unti ko nang naiisip na hindi ko na kailangan sumunod kahit ama ko pa ang nagdedesisyon.

"Manahimik ka!" Lumapit siya sa akin. "Kung hindi mo sila kayang pabayaang mamatay, pwes ako ang papatay sa kanila."

"Dad! Parang awa mo na, itigil na natin 'to."

Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Kailangan kong kumilos.

_______

Lynn's POV

Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko magalaw ang likod ko.

Dumilat ako at nakita ko ang mga kaibigan kong nakatali sa upuan nila. Nandito kami ngayon sa living area.

Si Nemmy, Jai, Karen, Joy, Dhebs, at Aireen. Kami na lang ang nananatiling buhay sa larong 'to.

"Nemmy! Aireen! Jai! Huy gumising kayo." Tawag ko sa kanila.

Nakita kong isa isa silang nagising at nagtaka sa kalagayan namin ngayon.

Lahat kami nakagapos at nakapwesto pabilog.

"Gising na pala kayo! Magandang gabi mga binibini!" Nakita naming pababa ng hagdan ang lalaking kumausap sa amin kanina.

Siya na siguro ang nagpanggap na Agatha sa buong laro.

"Tangina mo! Ano bang gusto mo ha?!" - Joy

"Pito na lang pala kayo. Ibahin na natin ang laro." Sabi ng lalaki.

"Sino ka ba?!" Tanong ko.

"Shhh." Lumapit siya sa akin. "Lynn Acosta hmm"

"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan at hindi ka magtatagumpay dito!" Tinitigan ko nang masama ang demonyong may pakana ng lahat.

"HAHAHAHAHAHA 'wag ka nga magpanggap na matapang miss kasi una pa lang, duwag ka na! Mahina ka!" Sigaw niya sa akin.

"Tama na!" - Aireen

"Ano bang kailangan mo?! Bakit mo ginagawa 'to? Tsaka paano mo kami nakilala?! Tangina mo demonyo ka!" - Jai

"Come on girls, sigaw niyo pa lahat ng galit niyo bago niyo malaman kung sino ba dapat ang kamuhian niyo."

"Sabihin mo na lang!" - Joy

"Kaibigan niyo. HAHAHAHA"

Kaibigan namin? Sino?

Tumawa siya nang malakas at naglabas ng isang bote.

"Let's play spin the bottle. Papaikutin ko 'to, at kung kanino tumapat ang bote, siya ang papatayin ko. HAHAHAHA" Nilapag niya ang bote at sinimulang paikutin kasabay ng pagkasa niya sa hawak na baril.

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now