First Night

55 2 0
                                    

Emily's POV

"Players, it's already 10:45pm, please proceed to your rooms." Narinig namin ang boses ni Agatha sa speaker saka kami umakyat at pumasok sa mga kwarto namin.

"Let's see kung totoo nga 'to or it's just a fcking prank hahaha!" Sabi ni Dhebs bago siya pumasok sa kwarto niya.

Humiga lang ako sa kama at naghihintay makarinig ng kung anumang ingay sa labas ng kwarto.

After 15 minutes, nagsalita ulit si Agatha. May speaker sa bawat kwarto at bawat sulok ng bahay na 'to kaya rinig si Agatha ng lahat.

"GOOD NIGHT GIRLS!"

Ang lakas ng aircon dito sa room pero pinagpapawisan ako sa kaba.

Jusko ano ba 'to. Nakakapraning.

"Hi Emily."

Napabalikwas ako nang makita ko ang isang player sa loob ng kwarto ko.

"Ikaw na ba ang mafia? Or killer? Or ikaw ang doctor? Save mo naman ako oh. Natatakot na ko." Pagmamakaawa ko.

"Tanga! Wala sa game instructions na papasok ang doctor sa loob ng room ng player na isesave niya."

"S-So i-ikaw ang k-killer?" Nangangatal ako.

"Di ko na patatagalin 'to. Hindi naman tayo close. Salamat sa time."

Kinasa niya ang baril at tinutok sa ulo ko.

"Please, maawa ka-"

_______

Nemmy's POV

Sabi na eh, may pahamak na dala si Agatha.

Sana di na lang kami tumuloy dito.

*BANG*

"It's a game over for Emily Torres. Her game identity was INNOCENT. The doctor chose to save Myla."

Sht. Wala na si Emily.

The doctor saved Myla? Baka si Dhebs ang doctor. Kailangan maingatan ang buhay ng doctor.

Paano pa ako makakatulog nito, paano pa kami makakatulog nito sa mga susunod na gabi kung nanganganib buhay namin?

Sino bang may pakana nito?

_______

Lynn's POV

Time: 7:00am Sunday

Wala pang dalawang oras ang tulog ko dahil nahihirapan ako habang iniisip ko kung anong madadatnan ko paglabas ng kwartong 'to.

"GOOD MORNING GIRLS!" Bati ni Agatha mula sa speaker.

Lumabas ako sa kwarto at nakita kong palabas din ang iba.

Nakita ko ang pinto ng kwarto ni Emily na may bahid ng dugo sa pangalan niya.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto niya pero nakalock.

I have to save myself. I have to save innocents. Lahat kami ay dapat makalabas dito nang buhay.

Tahimik ang lahat. Nagpunta ako sa kusina. Naroon si Joy, nagluluto ng makakain ng lahat.

"Tulungan na kita Joy."

"Salamat."

Tahimik kami habang nagluluto ng almusal.

"Wala na si Emily." Mahinang sambit ni Joy.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Lalaban tayo."

"Guys, hindi natin kailangan malugmok sa pagkawala ni Emily. Habang nandito tayo sa larong 'to, dapat maging malakas tayo. Kumilos at magtulungan tayo para maipanalo 'to." Malakas na sambit ni Nemmy para marinig siya ng lahat.

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now