Second Night

36 3 4
                                    

Lynn's POV

Time: 10:40pm Sunday

Pinatong ko sa coffee table sa living area ang tinimpla kong kape at komportableng naupo.

I rest my back, close my eyes and breathe.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Di ako makapaniwala sa mga nangyayari." Bulong ko.

"Pareho tayo." Sambit ni Melisa. "Nagdinner ka na ba? Wala ka kanina nung sabay sabay kumain eh."

Umayos ako nang upo at humarap sa kanya.

"Bakit ganon kadali sayong pagbintangan si Diana?" Tanong ko.

"L-Lynn, hindi ko sinasadya. Naisip ko lang yun dahil sa mga nangyari nung nakaraan." Paliwanag niya.

"And you think enough na yun para piliin siyang pagbintangan at patayin?" Tumaas ang boses ko.

"I-I'm just... I'm trying to save you." - Melisa

"Try to save anyone without giving up someone's life. Parang pumatay ka na rin sa ginawa mo." Umalis ako sa harap niya at tumungo sa kwarto ko.

Tumunog ang alarm tone sa speaker giving us a cue na kailangan nang magstay sa room namin dahil 10:45 na.

15 minutes left at magsisimula na ulit kumilos ang mafia at serial killer.

Kung nahihirapan pa ko sa ngayon makilala kung sino ang pumapatay, siguro magiging madali naman sa akin makilala kung sino ang doctor.

Unang sinave ng doctor si Myla instead na sarili niya. Alam kong kinukutuban ng mga killer kung sino ang doctor, yun ang target nila para mapabilis ang laro at manalo sila.

Kailangan ko silang maunahan. Once na makutuban ko kung sino ang doctor, iingatan ko siya sa botohan.

Once I had the chance, I can give clues para mapili ng doctor ang dapat niyang isave. Marami kami, dalawa lang ang killer.

Dapat ko rin maparamdam sa makukutuban kong doctor na kakampi niya ako.

_______

The Doctor's POV

Sino isesave ko sa gabing 'to?

Parang wala akong makuhang clue- ay wait.

Si Myla ang random na napili ko isave nung first night at pinatay ng mga killer si Emily. Hindi malabong maisip ng mga killer na si Dhebs ang doctor kasi si Myla ang sinave.

Kailangan kong isave si Dhebs kasi siya ang itatarget ng killer.

One text message received.

From Agatha:

Who's next, doc?

Agad akong nagreply.

Dhebs Mendoza

Sana tama ang napili kong iligtas.

_______

Serial Killer's POV

Pangalawang gabi na ng laro. Kailangan ko nang panindigan 'to kasi may isa na kong pinatay.

Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa pagkatao ko at ng Mafia.

Dad's calling...

"Hello, dad?"

"Good job was done for the first night. Galingan mo anak."

"Dad, ayoko nang pumatay."

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now